• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON at KIKO, muntik nang ‘di umabot sa 25 years pero nangibabaw ang pagmamahalan

PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang video clip sa kanyang YouTube channel noong February 14 na kung saan game na game sila ni Sen. Kiko Pangilinan sa isang challenge nilagyan ng title na ‘Valentine’s Day Game with our children’

 

 

Caption ni Mega sa kanyang post, So Kakie, Miel & Miguel came up with this idea. We always enjoy our regular dinners because we talk and laugh a lot between bites and bond as a family. But tonight’s extra special! This is just before dinner tonight. Enjoy!!! We love you and Happy Valentine’s Day to all of you! God bless us all!

 

 

Sumabak nga ang mag-asawa sa nakaaaliw na game na tinawag nilang “ShaKo” na kung saan ang isasagot nina Sharon at Kiko sa tanong ay Sha (You) o Ko (Me), habang magkatalikod ang kanilang upuan.

 

 

Unang tanong kung sino ang kayang matulog ng buong araw, at inamin ni Sharon na siya ‘yun, dahil binabawi raw niya ang 43 years na nagtrabaho bilang artista.

 

 

Kasunod naman na tanong, sino ang kayang mabuhay sa Mars. Sabi ni Kiko, “ako kahit saan dalhin, puwede.”

 

 

Sabi naman ni Sharon, “ayoko nga, wala akong alam doon, wala akong kilala at madilim. Gusto ko dito sa Earth, earthling ako.”

 

 

Sino naman sa kanila ang mas ‘old soul’.

 

 

“Of course, I’m modern. I’m a bit conservative, but I’m not a prude. But I really feel like since I was little, I was born an old soul, an old person. I’m very responsible. Like you (Kakie), very manang when I was a little girl,” paliwanag naman ni Sharon.

 

 

Sagot naman ni Kiko, “Traditional, conservative. Ako kasi, radical.”

 

 

“Oo na radical ka, ako hindi,” pag-agree ni Sharon.

 

 

Inamin naman ni Kiko na siya ang patay na patay kay Sharon pero aminado si Mega na siya ang mas malambing.

 

 

Pagdating naman sa music, sinabi ni Sharon na siya ang may better taste dahil isa siyang singer.

 

 

“Ako, I’m so sorry, naturally, your father likes the songs of old or dead people,” sabi niya,

 

 

Sabi naman ni Frankie, “But I think the argument can be made that Daddy has the best taste in music because his wife is you.”

 

 

Sagot naman ni Kiko, “She’s dedicated to her craft.”

 

 

“And remember, I had a musical show wherein I had to study a million songs. So I know all genres and I can do all,” dagdag ni Sharon.

 

 

Pareho naman nilang gusto ang kanilang penmanship, na infairness parehong maganda lalo na yun kay Sen. Kiko.

 

 

Naubos ang prepared questions, kaya nag-isip na lang ang magkakapatid ng additional question.

 

 

Pag-amin pa ni Sharon tungkol sa ginawang panliligaw ni Kiko.

 

 

“He sent a lot of food even to tatay and mita, he sent live hito, live dalag.”

 

 

“He knew what my dad wants. And he sent me, while other were sending me bulaklak, he sent me chicharon bulaklak.”

 

 

Naitanong din kina Sharon at Kiko kung pang-ilang Valentine’s day na sila na magkasama.

 

 

Sagot ni Mega, 26 na raw, pero 27 years na silang together at 25 years naman bilang mag-asawa sa April 28.

 

 

Dagdag pa ng nagbabalik-hurado ng Your Face Sounds Familiar na malapit nang mapanood, “muntik nang hindi umabot, but because of God and your father love for me and my love for him.”      (ROHN ROMULO)

Other News
  • CATRIONA, sagana sa alaga ni SAM at ini-spoil din sa mga gifts; naniniwalang ‘she’s the one’

    PARA raw kay Sam Milby, ang girlfriend na si Catriona Gray na ang “the one” niya.     Sinabi ito ni Sam sa naging interview niya sa Mega Entertainment.     Sabi ni Sam, “I wouldn’t be with Cat if I don’t think she’s the one.  At my age also, why would I be wanting to […]

  • Kahit wala naman siyang ka-date: DAVID, kinarir ang suit na susuotin sa ‘GMA Thanksgiving Gala 2023’

    BUKOD sa pagiging abala sa taping ng kanilang upcoming Kapuso series na ‘Maging Sino Ka Man’ ni Barbie Forteza, ay abala ang Pambansang Ginoo na si David Licauco sa paghahanda para sa nalalapit na GMA Gala 2023 sa July 22.     Ayon kay David ay galing pa sa ibang bansa ang kaniyang suit na […]

  • BI NAGSAGAWA NG SORPRESANG PAGSALAKAY SA LOOB NG BI FACILITY

    NAGSAGAWA ng sorpresang pagsalakay ang mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) sa mga nakakulong sa kanilang warden facility (BIWF) sa Taguig City.     Kabilang sa mga nagsagawa ng sorpresang pagsalakay na tinawag na “Greyhound Operation”  ay ang  BIWF management, mga opsiyal mila sa BI Intelligence Division gayundin ang BI Anti-Terrorist Group sa koordinasyon […]