• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manager na si Wilbert, humingi na ng tulong sa netizens: HERLENE, iniyakan ang nawawalang National Costume para sa ‘Miss Planet International’

INIYAKAN talaga ni Herlene Budol, nang malaman niyang nawawala ang National Costume na gagamitin niya para sa Miss Planet International na gaganapin sa Uganda sa November 19.  

 

 

Narito ang kuwento ni Herlene: “Nakakaiyak ang nangyari na ang National Costume na gagamitin ko, ay mukhang nadisgrasya ng airlines.  Pagdating ng airport ayaw ipakarga, kesyo over size daw.  Then no choice na rin kami at hinayaan na lang naming chinopchop nila at binaklas buong box.  Ang masaklap yung pinaka-body ng costume hindi nakarating ng Uganda.”

 

 

“Buong araw kami sa airport at tinengga oras namin at pinangakuan kami na darating ng gabi, pero 2:30 am na wala na silang paramdam @et_mnl2015 @ethiopian­_airlines.  Please help me!” Panawagan pa ni Herlene.

 

 

Kahit si Wilbert Tolentino, Herlene’s manager, ay humingi na rin ng saklolo sa mga netizens at hopefully, may tumulong sa kanila.  “Guys we need Plan B for Herlene Hipon Budol National Costume.  Nadisgrasya ng Ethiopian Airlines.  I need help!  Today ang biyahe ng interpreter papunta ng Uganda para masabay na po sana.  We badly need it guys so please give us your entry through Comment Section.  Thank you!”

 

 

Kaya dasal pa rin ni Herlene ay makapasok pa rin siyang finalist sa international contest kahit wala siyang National Costume.

 

 

Wish din natin na makarating on time ang nawawalang part ng National Costume ni Herlene.  Good luck!

 

***

 

 

NATUPAD na rin ang wish ng mga fans ng Eraserheads para sa kanilang reunion concert na “Huling El Bimbo” na magaganap sa December 22.

 

 

Balitang sold-out na ang lahat ng tickets kaya nag-request silang magkaroon ng General Admission tickets at nag-post na nga si Ely Buendia na may General Admission tickets na worth P 1,222.

 

 

Pero nagtatanong din ang mga fans kung gaano kalayo ang Gen Ad seats sa stage, dahil kung masyado raw malayo, baka hindi na lamang sila bibili dahil baka wala na rin silang makita.

 

 

May request naman ang mga fans nila sa abroad kung pwedeng magkaroon ng online streaming ng concert at willing  naman silang magbayad.  Ganito rin ang request ng fans sa provinces dahil hindi rin nila kayang pumunta sa venue.

 

 

***

 

 

NAGBABALIK-TELESERYE na ang dating child star na si Maybelyn dela Cruz, sa bagong serye ng GMA Network, ang “Unica Hija,” na isang very unique at daring ang concept nito tungkol sa human cloning.

 

 

“Naka-relate po ako sa serye nang ikuwento sa akin ang story dahil personally, natulungan din ako ng science para maging isang ina,” kuwento ni Maybelyn.

 

 

“Ilang beses din po akong nag-try ng in vitro fertilization (IVF) bago ako nagbuntis sa baby girl kong si Olivia.  Our miracle baby is now five (5) years old, kaya perfect time na rin ngayon para balikan ko muli ang pag-arte.

 

 

“Kaya gusto ko rin pong  i-share ang isang magandang mensahe ng aming serye: ‘Siyempre merong iba’t ibang opinion tungkol sa tema ng aming show but I think this is all about acceptance.  For as long as iyong clone ay may emotions, feelings at humanity,  then dapat meron din siyang place sa mundo.”

 

 

Gaganap sa dual role as Bianca and Hope si Kate Valdez, na anak nina Katrina Halili at Alfred Vargas.  Mahihiwalay sa kanila si Hope at inampon siya ni Maricar de Mesa, pero napakalupit niya, ganoon din ang anak nito, played by Faith da Silva, kaya kaawa-awa ang buhay ni Hope sa kanilang piling.  Makakatambal ng dalawang Kate Valdez si Kelvin Miranda.

 

 

Magsisimula na ang story nina Bianca at Hope  this Monday, November 7, sa GMA Afternoon Prime, 3:25PM, after “Abot-Kamay na Pangarap.”

 (NORA V. CALDERON)

Other News
  • Schedule ng mga miting de avance para sa 2022 presidential bets

    ABALANG-ABALA na ngayon ang mga presidential candidates, kanilang running mates, at senatorial slate sa paghahanda sa pagdaraos ng kanilang miting de avance ngayong linggo para pinal na itulak sa mga botante ang kanilang mga sarili at adhikain bago pa sumapit ang halalan sa Lunes, Mayo 9.     Sa katunayan inilihis ng tambalang Senador Panfilo […]

  • Halos 200 pamilya sa Caloocan, nakatanggap ng CELA

    HALOS 200 pamilya ang nakatanggap ng Certificate of Entitlement for Lot Allocation (CELA) sa pamamagitan ng pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan at ng Housing and Relocation Office (HARO), sa ginanap na seremonya na pinangunahan ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan.   Ang mga benepisyaryo ay matagal nang mga residente ng Sitio Gitna, Barangay 166 […]

  • Miting sa pagitan nina Pangulong Duterte at Marcos Jr., bago ang inagurasyon, wala pang iskedyul-Andanar

    WALA pang naitatakdang araw at petsa sa meeting sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Roa Duterte at presumptive president Ferdinand Marcos Jr.     “Wala pang sinasabi sa amin. We will wait for further announcement,” ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) at acting presidential spokesperson Secretary Martin Andanar.     “I don’t have information on […]