PSC: PAGPILI NG ATLETANG PINOY, SASALANG SA KOMITE
- Published on February 25, 2020
- by @peoplesbalita
BINUO ang Review Committee para mangasiwa sa pagpili ng Philippine Sports Hall of Fame member ngayong taon.
Ayon kay Philippine Sports Commission (PSC) chairman William “Butch” Ramirez, malaki ang tulong na naibibigay ng mga sports media practitioners sa gagawing selection process.
“It is for this reason that the PSC, for the longest time, has been seeking the help of our partners from the sports media in the evaluation process of the Hall of Fame. We recognize their knowledge of the history of our country’s sports legends,” aniya.
Nakasaad sa R.A. No. 8757 na kilala din bilang PSHOF Act, na tanging ang Screening Committee na binubuo ng PSC Chairman, Philippine Olympic Committee (POC) President, Games and Amusement Board (GAB) Chairman, at dalawang iyembro ng NSA na may pagkilala ng POC at dalawang miyembro buhat sa mga pribadong sektor ang tanging may karapatan na mamili ng mga pararangalan.
Samantala, nabuo naman ang review committee noong panahon pa ni dating PSC chairman Harry Angping taong 2010 kung saan pag-aaralan ng nasabing komite kung karapat dapat nga ba na mapabilang sa Hall of Fame ang nasabing atleta na mapipili.
Pitong miyembro ang bubuo sa naturang kumite na magmumula buhat sa iba’t ibang media outfit na nagkokober ng sports.
Gayunman, hindi pa pinapangalanan ang mga miyembro ng nasabing kumite gayung pinag-aaralan ng mga namumuno ang pagbuo dito.
Nakatakda naman simulan ang nominasyon para sa posibleng parangalan ngayong unang araw ng Marso.
-
Opisyales ng DOTr at LTO maaaring kasuhan ng plunder
Maaaring makasuhan ang mga opisyales ng Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Office (LTO) dahil sa alegasyon ng maanomalyang pagbili ng vehicle license plates. Ayon kay Sen. Richard Gordon ng Senate Blue Ribbon committee na siyang head na sila ay patuloy na kumakalap ng mga sapat na ebidensiya upang magbigay sila ng […]
-
Pamamahagi ng fuel subsidy sa jeepney drivers, umarangkada na – LTFRB
Nagsimula nang magkaloob ang pamahalaan ng fuel subsidies na may halagang P1 bilyon para sa may 136,000 driver ng pampasaherong jeep upang maibsan ang epektong dulot sa patuloy na pagtaas ng halaga ng petroleum products. Ito ay makaraang ilunsad ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang ‘Pantawid Pasada Fuel Program’ (PPP) […]
-
Gun ban violators, pumalo na sa higit 2.3-K – Comelec
PUMALO na sa mahigit 2,300 ang bilang ng mga lumabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban. Ayon sa Philippine National Police (PNP) kabuuang 2,313 na katao na ang lumabag sa nationwide election gun ban ng komisyon. Nasa 2,249 ng mga violators ay sibilyan, 40 ang security guards, 14 ang police […]