Mandatory retirement age sa senior workers, giit alisin
- Published on August 6, 2022
- by @peoplesbalita
NAIS ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na tanggalin na ang mandatory age sa pagreretiro ng mga manggagawang senior citizens sa private sector.
Isinusulong ng kanyang House Bill (HB) 3220 na i-repeal ang compulsory age na 65 anyos na itinatakda sa Labor Code of the Philippines.
Isiningit ni Ordanes sa amyenda ang “An employee who reached the age of 65 years old can choose to continue their employment provided that he qualifies under the bona fide occupational qualification of his job, the burden of prove otherwise is with the employer.”
Layon ng panukala ni Ordanes na magpatuloy sa pagtatrabaho ang mga senior citizens basta’t may kakayahan at malakas pa ang mga ito.
Ang kailangan lamang ay magpakita ang mga senior citizens ng clearance galing sa mga doktor na nagsasaad na ‘fit to work’ pa rin ang mga ito.
“Actually itong aking bill, yung mga senior citizens na kaya pang magtrabaho. Halimbawa ito yung ano eh, yung mga, yung magre-retire sa isang kumpanya pero gusto pang magtrabaho,” anang solon na sinabing lalo na kung handa pa ang employer na tanggapin at magpatuloy pa sa pagtatrabaho sa kaniyang kumpanya ang nasabing manggagawa.
Karaniwan anya na kapag sumapit sa gulang na 60 o senior citizen ay obligado o compulsory requirements na sa mga manggagawa ang magretiro na sa serbisyo.
Sinabi ni Ordanes na maraming senior citizens na kahit 65-anyos na ay malulusog pa, mabibilis mag-isip, malalakas at asset pa rin sa organisasyon.
-
Rober Downey Jr., returning to the MCU’s Avengers movies as Doctor Doom, not Iron Man
THERE is no Marvel Cinematic Universe without Robert Downey Jr. The return to the MCU will be through the actor playing a version of Doctor Doom. That much is clear, with the actor helping establish the foundation of the franchise and being one of the main stars during the […]
-
‘Back to ECQ:’ Mga hospital bed capacity sa Cebu, dadagdagan- Cimatu
Inaalam ng Visayas Overseer on COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) Task Force na si Sec. Roy Cimatu ang bed capacity sa lahat ng mga pagamutan sa Lungsod ng Cebu. Ayon kay Cimatu, natukoy nila mula sa mga tinawagang may-ari na may 569 bed capacity sa mga pribadong ospital habang 646 sa intensive care units. […]
-
Tinatayang may 8,036 pamilya o 31,677 katao ang apektado ni Enteng sa Rizal province… PBBM, ipinag-utos ang mahigpit na pagtugon sa mga lugar na tinamaan ni ENTENG
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., araw ng Biyernes na panatilihin ang mahigpit na pakikipag-ugnayan sa pagitan ng nasyonal at lokal na pamahalaan upang masiguro ang mabilis na distribusyon ng tulong sa mga residente na apektado ng Severe Tropical Storm Enteng. “Continue the coordination between the national agencies and the LGUs with DENR, […]