• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Back to ECQ:’ Mga hospital bed capacity sa Cebu, dadagdagan- Cimatu

Inaalam ng Visayas Overseer on COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) Task Force na si Sec. Roy Cimatu ang bed capacity sa lahat ng mga pagamutan sa Lungsod ng Cebu.

 

Ayon kay Cimatu, natukoy nila mula sa mga tinawagang may-ari na may 569 bed capacity sa mga pribadong ospital habang 646 sa intensive care units.

 

Natukoy ni Cimatu na sa 86.6% ang “percentage fill” ng mga hospital bed para sa COVID-19 patients at “crucial” ito sa siyudad kung mapupuno ito lalo na at pataas ang kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19 sa lungsod.

 

Alinsunod nito, naghahanap ng paraan ang opisyal upang matugunan ang kakulangan ng hospital beds.

 

Binigyang-diin pa ni Cimatu na kailangang itaas ang sahod ng mga medical workers upang lalong magsikap ngayong panahon ng pandemya.

 

Una nang ihinayag ni Cebu City Mayor Edgardo Labella na magbibigay ang pamahalaan ng dagdag na incentives para sa mga nurse ng mga pribadong pagamutan.

 

Batay sa datos mula sa Department of Health-7, Cebu City pa rin ang may pinakamataas na bilang ng mga confirmed cases kung saan nasa 7,015 na ito at 6,802 naman ang active cases.

 

Nabatid na inilagay uli sa ECQ (enhanced community quarantine) ang lungsod hanggang Hulyo 15. (Daris Jose)

Other News
  • NBA ipinagmalaki na walang dinapuan ng COVID-19 sa All-Star games

    Ipinagmalaki ng NBA na wala silang naitalang anumang nadapuan ng COVID-19 pagkatapos ng NBA ALL-STAR GAME.     Kasunod ito sa pangamba ng ilang manlalaro na pinangungunahan ni LeBron James na maaring dumami ang kaso ng COVID-19 dahil sa All-star games.     Ayon sa NBA na mahigpit nilang ipinatupad ang pagsasailalim sa tatlong beses […]

  • P1 bilyong SRA ng health workers, wala pang pondo

    NANANATILING  wala pang pondo ang P1 bil­yong COVID-19 Special Risk Allowance (SRA) para sa mga health workers sa loob ng dalawang taon makaraang tumama ang pandemya sa bansa.     Sinabi ito ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa presentasyon ng panukalang pondo ng ahensya para sa 2023 sa Kongreso.     Nakikipag-ugnayan naman umano […]

  • DPWH at Japanese experts, winakasan na ang talakayan sa panukalang P37-B road project

    TINAPOS na ng mga opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga Japanese expert ang kanilang isang linggong talakayan para sa panukalang P37 billion Dalton Pass East Alignment Road Project sa northern Luzon.     Ang iminungkahing proyekto ay isang four-lane na 23.5-kilometer na kalsada na magpapagaan sa matinding trapiko at magbibigay […]