• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mandatory use ng face shield sa mga work place at public transport, ikinunsulta sa mga eksperto

MASUSING dumaan sa konsultasyon ang panibagong panuntunan na ipinatupad ng pamahalaan hinggil sa pagsusuot ng face shield.

Sinabi ni Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases co- Chair Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, ang pasya na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shields ay resulta ng konsultasyon sa mga eksperto gaya ng mga duktor at siyentipiko.

Aniya, ipinakita sa kanila ng mga experts kasama na ang mga epidemiologists na 99 percent ang posibilidad na hindi mahawahan ang isang indibidwal kung naka- face shield habang naka – face mask at sasabayan pa ng social distancing.

Sa kabilang dako, sinabi pa ni Nograles na mababa sa kabilang banda ang protection level ng surgical face mask at cloth mask kung ikukumpara sa N95 mask na mataas ang naibibigay na proteksiyon.

Kaya nga pagbibigay diin ng Kalihim, maigi talaga na gawing kumbinasyon na ang paggamit ng face mask at face shield gaya ng ipinatutupad na sa mga public transportation at workplace. (Daris Jose)

Other News
  • Pagkatapos ng pakikipaglaban sa breast cancer: Hollywood actress na si SHANNEN DOHERTY, pumanaw sa edad na 53

    PUMANAW sa edad na 53 ang Hollywood actress na si Shannen Doherty na kilala bilang si Brenda Walsh sa ‘90s drama series na ‘Beverly Hills 90210’ at bilang si Prue Halliwell sa ‘90s fantasy-comedy series na ‘Charmed’.   July 13 noong pumanaw ang aktres pagkatapos ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na breast cancer since 2015. […]

  • Ads January 23, 2024

  • Panukala na gawing mail at postal voting ang sistema ng halalan sa 2022, posible -Malakanyang

    POSIBLENG idaan sa mail voting at postal voting lalo na sa mga senior citizens at persons with disabilities o PWD’s ang gagawing botohan para sa darating na 2022 national elections.   Sinabi ni presidential spokesper- son Harry Roque, baka kailanganin ng bansa na magpatupad ng ganitong pamamaraan ng halalan kung saan ginagawa na rin aniya […]