Panukala na gawing mail at postal voting ang sistema ng halalan sa 2022, posible -Malakanyang
- Published on October 1, 2020
- by @peoplesbalita
POSIBLENG idaan sa mail voting at postal voting lalo na sa mga senior citizens at persons with disabilities o PWD’s ang gagawing botohan para sa darating na 2022 national elections.
Sinabi ni presidential spokesper- son Harry Roque, baka kailanganin ng bansa na magpatupad ng ganitong pamamaraan ng halalan kung saan ginagawa na rin aniya ng iba’t ibang mga bansa.
Hindi naman inaalis ni Sec. Roque ang posibilidad na baka maikunsidera sa kauna-unahang pagkakataon ang panukalang ito.
Iyon nga lamang, nakasalalay pa rin sa COMELEC ang pinal na desisyon at hindi ito panghi- himasukan ng Malakanyang.
Sa kabilang dako, hindi maaring maging opsyon ng gobyerno ang pagpapaliban ng eleksyon dahil lamang sa may kinakaharap ngayong krisis sa pangkalusugan.
Sa kanyang pagkakaalam, hangga’t hindi aniya inaamyen-dahan ng mga mambabatas ang 1987 constitution, mananatiling labag sa batas ang mungkahing temporary postponement ng eleksyon.
Inanunsyo na mismo ng Comelec, na sa halip ba ipagpaliban anh halalan ay mas mabuting ipatupad na lamang umano ang modified form of election dahil sa pamamagitan aniya nito ay magiging less o bahagyang mababawasan ang physical contact Ng bawat isa.
Sa ilalim aniya ng new normal, malaki ang posibilidad na magkakaroon ng mga pagbabago sa voting system at mga ginagawang pangangampanya ng mga kandidato para sa 2022 election.
-
PBBM, hangad magkaroon ng lupon para sa Fund for Responding to Loss and Damage na naka- base sa Maynila
KUMPIYANSA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na makatutulong ang Fund for Responding to Loss and Damage (FRLD) sa Pilipinas pagdating sa pagtugon sa masamang epekto ng climate change. Kaya nga, nais ng Chief Executive na ang Board o Lupon ay nakabase sa bansa dahil sa mahalagang papel nito sa pagtulong sa Pilipinas […]
-
EJ Obiena nakasungkit uli ng silver medal sa Germany
Sinimulan ni Pinoy pole vault sensation EJ Obiena ang kanyang 2023 indoor season na may silver medal finish sa Internationales Springer-Meeting sa Cottbus, Germany. Ang Olympic pole vaulter ay nakakuha ng 5.77 meters na nagtapos bilang isang runner-up habang nanguna ang American na si Sam Kendricks sa torneo na may 5.82m sa isang pagtatangka […]
-
MARIAN, mukhang nainggit sa pagiging ‘fangirl’ ni BEA kay HYUN BIN
USUNG-USO na ang fangirling sa ating mga aktres ngayon, isa na nga ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo. Nang mapanood niya ang sarili niya kasama in one frame ang bida ng Crash Landing On You na si Korean actor Hyun Bin for an advertisement ng isang shopping app na laging napapanood […]