• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manggagawa ng gobyerno ng tatamaan ng ‘rightsizing’, maaaring mag- apply para sa bagong posisyon

SINABI ng The Department of Budget and Management (DBM)  na ang panukalang  “rightsizing” sa gobyerno ay target na isumite sa Kongreso bago pa ang kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

“Aayusin po ng programang ito ‘yung mga ahensya na mayroong repetitive functions or overlapping functions,” ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman sa isang panayam.

 

 

Layon nito na lumikha ng  mabilis at kaagad na tumutugon na burukrasya.

 

 

Ang burukrasya ay kasalukuyang mayroong  187 ahensiya at government-owned and -controlled corporations (GOCCs), tinatayang mayroong dalawang milyong manggagawa.

 

 

“Streamlining may be done by merging, restructuring, or abolishing government entities,” ayon kay  Pangandaman.

 

 

“Pwede po silang mag-apply doon sa ibang position na pwede nating gawin at mabuo because of the rightsizing po. ‘Yung iba, magbibigay tayo ng tamang programa para sa kanila for retooling. Kasama po natin posible po ang Civil Service Commission,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang mga retirees  ay bibigyan ng kanilang  retirement benefits.

 

 

Ang teaching at teaching-related positions, medical at allied medical positions, at military at iba pang uniformed personnel ay exempted mula sa  proposal.

 

 

Sa ulat, suportado ni Senador Joel Villanueva ang rightsizing ng mga ahensya ng gobyerno.

 

 

Gayunpaman, sinabi ni Villanueva na bago pag-usapan ang rightsizing ay may ilang isyu munang kailangang sagutin ang national government.

 

 

Una, sinabi ng senador na 1 out of 10 ng mga awtorisadong posisyon sa national government ang hindi pa rin napupunuan ngayon.

 

 

Ayon pa kay Villanueva, kailangan ng komprehensibong pag-aaral sa staffing pattern ng mga government agencies para matukoy kung ang mga kasalukuyang plantilla positions ay lipas na, redundant o hindi na kailangan.

 

 

Ikalawa, aniya ay kung bakit marami pa ring mga government workers ang nasa bilang ng Job Order (JO) o Contract of Service (COS) kahit marami pang hindi napupunuang plantilla positions.

 

 

Kasabay naman nito ay binigyang diin ni Villanueva na dapat ding paghandaan ng pamahalaan ang Employment generation program sakaling kinakailangang mag-alis ng ilang mga empleyado sa gobyerno. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Top Gun: Maverick’ Expected to Surpass Titanic’s Domestic Box Office Record

    TOP Gun: Maverick is likely to become the seventh biggest film ever at the domestic box office, a record currently held by Titanic.     Top Gun: Maverick premiered this May and has been screening in theaters ever since. It’s the sequel to the original Top Gun (1986), also starring Tom Cruise and Val Kilmer, […]

  • DOTr naglaan ng P40 billion kontrata sa NSCR line

    KINUHA ng Department of Transportation (DOTr) ang Filipino, Indonesian at Spanish builders upang magplano at magtayo ng P40 billion na Manila section ng North-South Commuter Railway (NSCR).       Sa isang notice of award, ang DOTr ay naglaan ng Contract Package (CP) S-01 sa isang joint venture ng kumpanyang Indonesia PT Adhi Karya (Persero) […]

  • ASEAN ‘looking forward’ nang makipagtrabaho sa Biden administration

    Handa nang makipag-trabaho ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa administrasyon ng bagong upo na si US President Joe Biden.     Sa isang press release, sinabi ng chairman ng ASEAN Foreign Ministers’ Retreat, na umaasa silang mapapalakas sa ilalim ng bagong administrasyon ang ugnayan ng kanilang hanay at Estados Unidos.     “In […]