• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manggagawa ng POGO, alis na- BI

SINABI ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Norman Tansingco na lahat ng manggagawa ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) and Internet Gaming Licensees (IGLs) ay kinakailangan ng umalis sa bansa sa loob ng 60 na araw.

 

 

Ang hakbang ay bunsod sa direktiba ni President Ferdinand “Bong Bong” Romualdez Marcos, Jr.na ipagbawal na ang POGO sa panahon ng kanyang termino nitong ikatlong State of the Nation Address last July 22.

 

 

“Disguising as legitimate entities, their operations have ventured into illicit areas furthest from gaming such as financial scamming, money laundering, prostitution, human trafficking, kidnapping, brutal torture, even murder,” sinabi ng Pangulo.

 

 

Sinabi pa ni Tansingco na ang mga dayuhan na nagtatrabaho sa POGO at IGL at mga kahalintulad na service providers ay binibigyan ng 59 araw na huminto na sa kanilang ugnayan at umalis na ng bansa.

 

 

Inaasahan nila na tinatayang 20,000 na mga dayuhang manggagawa sa industriya na umalis na ng bansa sa susunod na dalawang buwan.

 

 

Ayon pa kay Tansingco na ang mga nakabinbin at mga bagong aplikasyon ng visa para sa POGO at IGL workers ay hindi na tatanggapin ng BI.

 

 

Sinabi pa ni Tansingco na mayroon silang listahan ng mga dayuhan na nagtatrabaho sa POGO at IGL na nagmula sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).

 

 

Binalaan din niya ang mga lumalabag ay isasailalim sa deportasyon at inutusan ang intelligence division and fugitive search unit na arestuhin ang mga ito. GENE ADSUARA

Other News
  • Matapos na maging box-office hit sa ‘Cinemalaya XX’: ‘Balota’ na pinagbidahan ni MARIAN, mapapanood na nationwide

    MAGANDANG balita para sa mga supporter ng “Balota” ni Marian Rivera dahil mapapanood na ang nasabing Cinemalaya film sa mga sinehan nationwide simula October 16.   Matatandaang nagwagi bilang 2024 Cinemalaya Best Actress si Marian sa kanyang pagganap bilang teacher Emmy. Ang “Balota” ay mula sa direksyon ni Kip Oebanda.   Inanunsyo ito ng GMA […]

  • HEART, ‘di napigilang magpaka-fangirl kay senatorial candidate CHEL DIOKNO

    HINDI napigilan ng aktres na si Heart Evangelista ang sarili na magpaka-fangirl kay senatorial candidate at human rights lawyer Chel Diokno nang magkita sila sa Sorsogon kamakailan.     Nag-post si Evangelista sa Twitter ng larawan ng kanilang pagkikita ni Diokno nang bumisita ang huli sa lalawigan para mangampanya.     “I’m kilig. fan mode […]

  • Pacquiao-Crawford fight pang-drumbeat sa FIFA World Cup

    Sakaling maikasa ang laban, planong dalhin ang mega fight sa pagitan nina Manny Pacquiao at Te­rence Crawford sa Doha, Qatar bilang bahagi ng drumbeating para sa 2022 FIFA World Cup.   Ayon kay Top Rank Promotions chief Bob Arum, nakikipag-ugnayan na ito sa ilang matataas na opisyales ng Qatar upang maikasa ang Pacquiao-Crawford fight.   […]