Mangingisda sugatan sa pananaksak sa Navotas
- Published on September 9, 2022
- by @peoplesbalita
MALUBHANG nasugatan ang isang 37-anyos na mangingisda matapos pagsasaksakin ng isang lalaki sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.
Ginagamot sa Tondo General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa katawan ang biktimang si Arnold Fatagani, ng Pescador St., Brgy. Bangkulasi.
Nakapiit naman ngayon sa detention cell ng Navotas police habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na kinilala bilang si Adonis Canoy, 26 ng R-10 Sitio Puting Bato, Brgy. NBBS Proper.
Sa report ni PSSg Karl Benzon Dela Cruz kay Navotas police chief Col. Dexter Ollaging, habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng Road -10 NBBS Proper papunta sa kanyang trabaho dakong alas-11:30 ng gabi nang bigla na lamang siyang hinarang ng suspek.
Naglabas ng isang screw driver ang suspek at bigla na lamang inundayan ng saksak sa dibdib ang biktima na tinangka pa niyang pigilan subalit, patuloy siyang inuundayan ng saksak ni Canoy.
Ilang concerned citizens ang humingi ng tulong sa mga tauhan ng Sub-Sttion 4 na agad namang rumesponde sa naturang lugar na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek habang isinugod naman ang bitktima sa naturang pagamutan. (Richard Mesa)
-
Mayor Isko handang magpaturok ng Sinovac
Handa si Manila City Mayor Isko Moreno na isa sa mauunang magpaturok ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac makaraang mabigyan na ito ng Emergency Use Authorization (EUA) ng Food and Drugs Administration (FDA). Sa pulong ni Moreno sa mga miyembro ng Manila City Council ipinaalam niya na ang kahandaan na mabakunahan ng naturang […]
-
YASSI, kinatuwaan ni SHARON sa pinakitang gesture at respeto sa katulad niyang mas senior
WHILE browsing the Instagram account of Sharon Cuneta ay nakita namin ang video kung saan lumapit si Yassi Pressman sa Megastar at binati ito. Nangyari ito sa shoot ng ABS-CBN Christmas Special. Sobrang natuwa si Sharon sa gesture ni Yassi. “Hi Yassi. Hi, nice to meet beautiful girl. Nice that […]
-
‘Kusina Manileño’, iikot sa Maynila
Inilunsad ni Manila 3rd District Cong. John Marvin “Yul Servo” Nieto ang ‘Kusina Manileño na naglalayong maserbisyuhan ang mga residente ng Maynila sa simpleng pamamaraan. Ayon kay Nieto, ang mobile kusina na ‘Kusina Manileño’ ay nagsimula nang maglibot sa ilang barangay sa distrito 3 noong Huwebes upang mamahagi ng libreng pagkain. […]