• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MANGINGISDANG NAVOTEÑO INAYUDAHAN NG BFAR

UMABOT sa 1,056 rehistradong mangingisda sa Navotas ang nakatanggap ng salapi at pagkain mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

 

Binisita ni Cong. John Rey Tiangco ang pamamahagi sa unang pangkat ng mga benepisyaryo na nag-uwi ng P3,000 cash voucher na makukuha sa MLhuillier at P2,000 halaga ng pagkain kabilang ang 25-kilo sako ng bigas, dalawang manok at dalawang tray ng itlog.

 

“We are grateful to the Department of Agriculture and BFAR for extending help to our fisherfolk. Navotas is the first local government in Metro Manila to receive such assistance,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

Hanggang Agosto 2020 ay 8,811 ang naitalang rehistradong mangingisda sa Navotas.  Sa bilang na ito, 7,291 ang kwalipikado sa BFAR subsidy makaraang magsagawa ng cross matching ang ahensya sa iba pang government assistance programs.

 

Kabilang sa mga kwalipikadong benepisyaro ang mga fishing crew, tinder at negosyante ng isda, mga istibador, fish farmers, at iba pang nasa pangisdaan ang hanapbuhay.

 

Nag-alok din ang BFAR ng aabot sa P25,000 pautang na walang kolateral at interes. May kabuuang 577 Navoteñong mangingisda ang nag-apply sa programa. (Richard Mesa)

Other News
  • Alden, ‘di nagpabaya para makatulong sa nabiktima ng Bagyong Ulysses

    NAPAPANAHON ang tema ng GMA Christmas Station ID 2020 na “Isang Puso Ngayong Pasko,” kaya naman hindi kataka-taka na pinusuan ito ng mga unang nakapanood ng launch nito last Monday, November 16, sa 24 Oras sa GMA-7.   Nakakuha agad ito ng 1.6K views, 40K likes, 3.8K comments at 8.8K Shares, here and abroad.   […]

  • May pagkakaiba ba ang “Single Parent” sa “Solo Parent”?

    OPO.  Ang mga kinukunsidera na solo parent ay naka-enumerate sa batas R.A. 8972 Solo Parent Welfare Act.     May amendment sa batas na ito ang Senate Bill 1411 kaya’t pag ganap nang batas, may mga madadagdagan na klase ng Solo Parents.     Maraming Single Parents ay maituturing sa Solo Parents kung ang kanilang […]

  • User ng TikTok account sa assassination plot vs BBM, tukoy na ng PNP

    NATUKOY  na ng Philippine National Police (PNP) ang user ng TikTok account na nag-post ng video tungkol sa umano’y assassination plot laban kay presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.     Sa press briefing, inatasan ng PNP Chief ang PNP Anti-Cybercrime Group (ACG) na ipagpa­tuloy pa rin ang imbestigasyon para sa posibleng pagsasampa ng kaso […]