Mangrobang balik karera
- Published on January 23, 2021
- by @peoplesbalita
INAASIKASO ngayon ni Triathlon Association of the Philippines (TRAP) president Tomas Carrasco Jr. ang mga badyet at papeles para sa Portugal training camp ni three-time Southeast Asian Games women’s triathlon gold medalist Marion Kim Mangrobang.
Puntirya ng samahan na makahabol pa sa world qualifying races ang 29 na taon at taga-Laguna na triathlete kasama ang isa pang male athlete sa takbong muli ng mga karera umpisa sa Marso 15 sa hangad na makapasok sa world’s top 75 para makapag-32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021 sanhi ng pandemya.
Sakaling sumblay sa World Triathlon top 75 rankings, tanging pag-asa ng ‘Pinas na makapagpadala pa rin ng triathlete sa quadrennial sportsfest ang via wildcard entry. Nasa 137th sa WT sa ngayon si Mangrobang.
Bumalik ng Portugal nitong Enero 11 ang dalaga para sa patuloy nap ag-eensayo at paghahanda sa mga karera sa Europe at ilan pang lugar. (REC)
-
PROVINCIAL BUSES BALIK BIYAHE NA
BALIK biyahe na simula ngayong araw ang mga provincial bus na papayagan nang bumiyahe, matapos ang halos anim na buwan na pagka garahe ng mga ito. Simula ngayong araw mayroon nang mga bus galing South at North ang bibiyahe sa ilalim ng modified bus routes na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board […]
-
Valenzuela LGU nagbigay ng P5M halaga ng bigas sa mga naapektuhan ng oil spill sa Mindoro
NAGBIGAY ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamamagitan ng VC Cares Plus Program ng P5 milyon halaga ng bigas sa probinsya ng Oriental Mindoro at ilang mga munisipalidad na lubhang naapektuhan ng kamakailan. Pinangunahan ang VC Cares Team ni Senator WIN Gatchalian, Vice Mayor Lorie Natividad-Borja, at City Social Welfare Operations Chief of Staff, Ms. […]
-
2 welder na ‘tulak’ laglag sa P340K droga sa Caloocan
DALAWANG welder na kapwa umano sangkot sa pagtutulak ng illegal na droga ang timbog sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Caloocan City, Miyerkules ng madaling araw. Kinilala ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta ang mga naarestong suspek na sina alyas “Mata” at alyas “Buyong”, kapwa residente ng lungsod. […]