Manhunt vs nagpupuslit, nagbebenta ng bakuna
- Published on July 9, 2021
- by @peoplesbalita
Nagpalabas ng manhunt operation si Philippine National Police (PNP) chief, Gen. Guillermo Eleazar sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga nasa likod sa pagpupuslit at ilegal na nagbebenta ng COVID-19 vaccines.
Ayon kay Eleazar, makikipag ugnayan ang CIDG sa lahat ng police units upang matukoy ang mga responsable sa ilegal na bentahan at gawain.
Nilalagay umano ng mga ito sa panganib ang buhay ng bawat indibiduwal.
“Paalala lang natin sa publiko na mapanganib iturok ang mga smuggled na bakuna dahil lumalabas na peke ang mga ito. Imbes na makakuha tayo ng immunity mula sa sakit ay lalong maging dahilan ito ng ating kapahamakan”, dagdag pa ng PNP chief.
Maging ang Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health ay kanila na ring naabisuhan para sa kanilang operation laban sa bentahan ng smuggled na vaccine.
Mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng COVID-19 vaccine hangga’t walang approval para sa emergency use ng FDA.
Binigyan diin ni Eleazar na peke ang mga vaccines na nakuha mula sa tatlong naaresto ng NBI kamakailan.
Paalala nito sa publiko, walang bayad ang vaccine dahil ito ay vaccination program ng pamahalaan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Djokovic at asawa nito, nagnegatibo na sa coronavirus
Nagnegatibo na sa coronavirus si tennis star Novak Djokovic at asawa nitong si Jelena. Walang nakitang sintomas ang dalawa mula ng sila ay nag-quarantine ng 10-araw. Nakuha nito ang nasabing virus sa Adria tennis tour ang inorganisa ni Djokovic sa Belgrade at Zadar, Croatia. Naging pang-apat na tennis player si Djokovic na […]
-
Mahusay na healthcare program sa Pasig, bigong maibigay
SINISILIP ng isang dating director ng Lung Center of the Philippines (LCP) ang kabiguang maipatupad ang healthcare program sa Pasig City kabilang na ang kakulangan ng mga doctor at pasilidad. Ayon kay Dr. Fernando Melendrez, dating director ng nasabing ospital, nananatiling bigo ang Pasigueño sa pangakong mapapahusay na ang mga programang pangkalusugan sa nakalipas na […]
-
DOJ, nakikipag-ugnayan sa pag-uwi ni Veloso
NAKIKIPAG-UGNAYAN na ang Department of Justice (DOJ) sa Department of Foreign Affairs (DFA) para malaman ang proseso sa pagpapauwi sa Pilipinas sa Filipina OFW na si Mary Jane Veloso na nasa death row matapos maibaba ang kanyang hatol sa life sentence sa pamamagitan ng ilang beses na apela ng gobyerno ng Pilipinas . Sinabi […]