MANILA LGU, HANDA NANG BAKUNAHAN ANG MGA BATANG 5 – 11 ANYOS KONTRA COVID-19
- Published on January 28, 2022
- by @peoplesbalita
HANDA na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila na mamahagi ng bakuna kontra COVID-19 para sa mga menor de edad mula 5 hanggang 11 taong gulang sakaling maglabas na ng “go signal” ang Department of Health at ang National Task Force Against Covid-19 na inaasahang ipatupad sa susunod na linggo.
“Nakahanda na po ang inyong pamahalaang lungsod sa pagbabakuna ng ating mga kabataan na may edad 5 hanggang 11 taong gulang. We are just awaiting word from the DOH as to our schedule in Manila, kung kailan nila kami bibigyan ng mga bakuna para sa mga bata,” saad ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa kanyang “special report” .
Una nang inanunsiyo ng NTF na ang pagbabakuna para sa mga nasabing edad ay magsisimula sa Pebrero 4.
Gayunman, hindi pa tiyak ni Domagoso kung gaano karaming mga bata ang maaaring tanggapin kada araw dahil ito ay depende sa mga supply ng bakuna, partikular na binuo para sa pangkat ng edad na ito, na magmumula sa DOH.
Muling hinimok ng 47-anyos na presidential aspirant ang mga magulang at tagapag-alaga ng mga bata sa loob ng pinapayagang edad na maiparehistro sila sa pamamagitan ng online vaccine registration site ng lokal na pamahalaan na https://manilacovid19vaccine.ph.
“So huwag po tayong mangamba. We were assured that the vaccine would be safe. Mas delikado kung walang bakuna,” giit pa ni Domagoso.
Habang hinihintay ng pamahalaang lungsod ang go signal mula sa NTF, sinabi ni Domagoso na patuloy pa rin ang pagbabakuna sa target na populasyon, kabilang na ang mga menor de edad na edad 12 hanggang 17 taong gulang.
Nabatid kay Domagoso, sa pinakahuling ulat ay nasa kabuuang 248,274 na menor de edad ang nabakunahan. Sa mga ito, 135,124 na menor de edad ang nakakuha ng kanilang mga unang dose habang kabuuang 113,150 ang ganap na nabakunahan. (GENE ADSUARA)
-
5.6 milyong doses ng bakuna mula Pfizer, AstraZeneca parating na
Inihayag kahapon ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na parating na ngayong kalagitnaan ng Pebrero ang tinatayang 5.6 milyong doses ng bakuna mula sa Pfizer-BioNTech at AstraZeneca. Nakapaloob sa liham mula kay Aurélia Nguyen, managing director of the World Health Organization-led COVAX facility, na […]
-
Doctor’s fee isasama sa medical assistance ng PCSO
TARGET ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na isama na sa medical assistance ang pagbabayad sa professional fee ng mga doktor. Ayon kay PCSO general manager Mel Robles, hindi naman buo kundi bahagi lamang ng professional fee ng doktor ang pinag-aaralan ng kanilang hanay na isama sa medical assistance. Ayon kay Robles, […]
-
DBM, nagpalabas ng ₱2.5 Billion para sa Free Public Internet Access Program (FPIAP)
INAPRUBAHAN ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Mina F. Pangandaman ang pagpapalabas ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga ng P2.5 billion, at Notice of Cash Allocation (NCA) para sa first quarter na nagkakahalaga ng P356.2M para sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng Department of Information and Communications Technology—Office of […]