Manila LGU, pinaghahandaan na ang pagbibigay ng libreng bakuna kontra COVID-19 sa mga Manilenyo
- Published on January 11, 2021
- by @peoplesbalita
NAKAPAGPALISTA na sa “online pre-registration” ang mga Manilenyong intresadong mabakunahan kontra COVID-19 sa “on-line registration” matapos itong ilunsad ng lokal na pamahalaan ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, inilunsad ng pamahalaang lokal sa pamamagitan ng Manila Health Department ang online registration na www.manilacovid19vaccine.com upang maging maayos at mapaghandaan nila ang dami ng nais magpabakuna kontra Covid-19.
Aniya, sa oras na maaprubahan ng national government agency ang gagamiting bakuna ay handa na ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa isasagawa nilang operasyon upang mabakunahan ng libre ang mga Manilenyo.
“Ito yung pamamaraan ng syudad na pagiging maagap na inihahanda na natin kasi modesty aside, the City of Manila reserved already P200M since July and we’ve been talking to multinational pharmaceutical pharmacies even though they are in phase 2 at that time, at yan nagtagumpay yan kasi nagkaroon ng movement,” ani Domagoso.
“Having said that, we will try to reach as many as possible because the first order that we are trying to eye in our own little way is 400,000 dosage that will serve 200,000 Manileños,” dagdag pa ng Alkalde.
Ayon pa kay Domagoso, wala rin problema kung buong pamilya ang nais magpabakuna dahil pipilitin nilang kayanin na magkaroon ng pondo para mabakunahan ang lahat ng residente ng lungsod ng Maynila.
Aniya, kung kukulangin ang hawak na pondo na P250 million, handa silang maglaan ng P1 billion para makabili at mabigyan ang lahat ng nasabing bakuna.
Tiniyak naman ni Domagoso na ang bibilhing COVID-19 vaccine ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ay aprubado ng Food and Drug Authority (FDA) dahil hindi aniya nito kukunsintihin at hindi nito papayagan ang iligal na pagbabakuna laban sa nasabing sakit.
“Bawal na bawal yan. Walang Presidente, walang Mayor, walang senador na magsasabi hindi pwedeng mag FDA, hindi po, may batas po. Kaya yang mga tolongges na yan pati ilang senador na nagsasabi na hindi kailangan ng FDA eh kailangan po, huwag natin hikayatin yung mga ilegal,” giit ni Domagoso. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
‘Shazam 2’ First Official Image Reveals All 6 Redesigned Superhero Suits
DAVID F. Sandberg, director of Shazam: Fury of the Gods reveals the first official look at the entire Shazam family’s new costumes. Following the success of 2019’s Shazam, Warner Bros. greenlit a sequel with Sandberg back at the helm. The first movie followed the origins of young hero Billy Batson (Asher Angel), who […]
-
Simultaneous cleanup sa Navotas
PINANGUNAHAN ni Mayor John Rey Tiangco ang sabayang paglilinis sa mga barangay sa Lungsod ng Navotas kung saan umabot sa 2,800 sako ng basura ang nakolekta bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-119th anibersaryo ng Navotas. Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Mayor Tiangco ang halaga ng malinis na karagatan at kapaligiran sa pangunahing kabuhayan sa lungsod, […]
-
Paul, tila pinatamaan sa post ni Ogie: Sa claim na ‘most powerful celebrity’ si TONI, inalmahan ng mga citizens
WALA namang pangalan na binanggit si Ogie Diaz, pero kung babasahin ang mga comment sa Twitter post niyang ito, tila ang tinutukoy sa mga comment ng netizens ay ang director na si Paul Soriano. Ang tweet ni Ogie kasi, “Magaan lang kasi ang bangko, kaya binuhat.” Eh, pinost ito ni Ogie after na lumabas ang […]