• November 6, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manila Mayor Honey Lacuna, ibinida ang mga nagawa sa Maynila sa kanyang SOCA 2024

IBINIDA ni Manila Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan sa kanyang ikatlong State of the City Address (SOCA) ang ginawa ng kanilang administrasyon hinggil sa pagpapahusay sa serbisyong pangkalusugan, de-kalidad na edukasyon, pagpapasigla sa turismo, libo-libong trabaho, at pagtatayo ng mga pampublikong gusali, na ginanap sa Philippine International Convention Center (PICC) nitong Hulyo 30, 2024.

 

 

 

Ang naturang SOCA ay tumagal ng isang oras at 24 na minuto na dinaluhan ng libo-libo katao, kabilang ang mahigit 800 mga Barangay Chairmen, mga opisyal at kawani ng lokal na pamahalaan, iba’t-ibang organisasyon at grupo ng mga pribadong indibidwal na ginanap sa Forum tent ng PICC sa Pasay City.

 

 

Sa kanyang pambungad na salita, pinasalamatan ng alkalde ang pagkakaisa ng lahat sa nakaraang kalamidad gayundin ay kinilala ng alkalde ang pagsisikap ng mga kapwa opisyal at empleyado sa pag-aayos ng mahigit P2 bilyon mula sa P17 bilyong natitirang utang ng lungsod matapos makapagbayad ng P2.397 bilyon na bunsod na rin aniya ng maayos at masinop na pamamahala sa pondo ng bayan.

 

 

Bilang isang doktora, sinabi ng alkalde na binigyan niyang prayoridad ang pagpapahusay sa serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga modernong kagamitan sa anim na pampublikong pagamutan sa lungsod at maging sa mga health centers nang sa gayon ay mas maraming may karamdaman ang libreng mapagsisilbihan.

 

 

Mula 2023 hanggang sa kasalukuyan, iniulat ni Lacuna na may kabuuang 184,572 rehistradong senior citizen sa Maynila ang nabigyan ng monthly allowances bukod pa sa patuloy na pagbibigay ng birthday cakes at mga espesyal na regalo sa Pasko.

 

 

Itinaas din aniya niya ang kalidad ng edukasyon sa pamamagitan ng pagpapagawa ng mga moderno at makabagong gusaling pampaaralan at pagkakaloob ng Financial Assistance sa mga guro at mag-aaral na ang ilan ay sa ilalim ng Educational Assistance Program ng Manila Department of Social Welfare (MDSW)

 

 

IBINIDA rin ni Lacuna na sa kanyang panunungkulan ay lalo pang pinasigla ang sektor ng turismo kung saan inayos ang iba’t ibang mga pasilidad, parke, plaza at iba pang mga pasyalan.

 

 

Binuksan din aniya sa publiko mula Lunes hanggang Linggo ang iconic na Manila Clock Tower Museum kung saan makikita ang mga obra ng iba’t ibang alagad ng sining, gayundin ang 360 degree panoramic view ng siyudad. Dahil dito, naisama ito bilang isang tourist destination sa Hop On, Hop Off ng Department of Tourism NCR.

 

 

Kinilala rin ng ATOP ang lungsod bilang Best Tourism Religious Practice para sa matagumpay na pagsasagawa ng Traslacion ng Itim na Nazareno. Nailunsad din aniya ang walong tourism hubs sa Maynila na nagresulta sa pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista sa lungsod.

 

 

Ang Department of Tourism ay nakapagtala ng humigit-kumulang sa labing apat na milyong local at dayuhang turistang dumayo sa Maynila sa loob ng isang taon. Dahil dito, kinilala bilang Worlds’ Leading City Destination noong December 2023 sa World Travel Awards na siyang kinikilala bilang pinaka-mataas na pamantayan sa turismo sa buong mundo.

 

 

Maging ang larangan ng turismo ay kanya rin aniyang napaunlad sa pamamagitan ng paglulunsad ng walong tourism hubs sa Maynila na nagresulta aniya ng pagdagsa ng mga lokal at dayuhang turista.

 

 

Nabigyan din aniya ng parangal ang kanilang lokal na Public Employment Service Office (PESO) dahil sa aktibong paglulunsad ng mga mega job fairs na dahilan ng pagkakaroon kaagad ng trabaho sa libo-libong Manilenyo.

 

 

Sa kanyang pamamahala, nakapagpamahagi na aniya sila ng mga titulo ng lote sa maraming pamilya sa iba’t-ibang lugar sa lungsod habang nakatakda na ring ipagkaloob ang ang mga units ng natapos ng tatlo pang condominium units sa San Sebastian, Pedro Gil at San Lazaro.

 

 

Inianunsiyo rin ni Mayor Lacuna ang pagbubukas ng limang bagong pasilidad tulad ng Pritil Market, modernong silid-aklatan, bagong gusali ng Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) habang sa unang linggo naman ng Setyembre ay bubuksan na ang Vitas Slaughterhouse at maging ng Animal Clinic and Rescue sa Tondo.

 

 

Hinimok din ng alkalde ang Manilenyo na samahan siyang mapagtagumpayan ang kanyang magagandang pangitain sa lungsod na dapat simulan sa kanilang sarili, pagkakaisa tulad ng isang pamilya at tanggapin ng maluwag sa loob ang mga pagbabago.

 

 

“Ito na ang ating pagkakataon, na sama-samang sagutin ang hamon ng ating lungsod. Hindi tayo titigil. Hindi ako titigil hanggang sa ating makamit, ang pinapangarap nating Magnificent Manila. Mga kapwa ko Manileño, isa pong karangalan ang patuloy kayong pagsilbihan. Ngayon man o bukas, umaraw man o umulan, hinding hindi ko kayo iiwan,” pahayag ng alkalde.

 

 

Pinarangalan din ng alkalde sa kanyang SOCA ang kanyang namayapang ama na si dating Manila Vice Mayor Danny Lacuna.

 

 

“Sa bawat araw ng inyong pagtitiwala sa akin, at sa bawat araw na ako ay may pagkakataong mapabuti ang buhay ng isang Manileño, ay siya namang inihahandog ko sa alaala ng aking ama,” ani Lacuna.

 

 

“Ang aking kasuotan ngayong araw, ay pinagtagpi-tagpi mula sa mga lumang barong tagalog na madalas niyang gamitin noong siya ay haligi pa sa City Hall. Sinasagisag nito ang iba’t ibang mukha ng bawat Manileño. Magkakaiba, ngunit nagkakaisa, at bawat isa, may halaga sa kaayusan at kabuuhan ng ating bayan. Ang pangarap ni Danny Lacuna, ay pangako ko sa inyo at sa bawat Manileño,” dagdag pa ng alkalde.

 

 

Sa pagwawakas ni Lacuna, sinabi nito na malayo na ang narrating ng lungsod ng Maynila ngunit aminado itong marami pang kailangang gawin.

 

 

“Ito na ang ating pagkakataon, na sama-samang sagutin ang hamon ng ating lungsod. Hindi tayo titigil. Hindi ako titigil. Hanggang sa ating makamit, ang pinapangarap nating Magnificent Manila. Mga kapwa ko Manileño, isa pong karangalan ang patuloy kayong pagsilbihan. Ngayon man o bukas, umaraw man o umulan, hinding hindi ko kayo iiwan,” ayon pa kay Lacuna. (John Paul Reyes)

Other News
  • After na sorpresahin ang asawa sa ‘Eat Bulaga’: Super sweet na birthday message ni ARJO kay MAINE, kinakiligan ng netizens

    SUPER sweet ng birthday message ni Cong. Arjo Atayde sa kanyang asawa na si Maine Mendoza na nag-celebrate ng ika-29 na kaarawan last Sunday, March 3, 2024.   Sa kanyang Instagram, in-upload ni Arjo ang nakakikilig na photos nila ni Maine, kasama nga ang super sweet birthday message sa kanyang wifey.   Caption ni Arjo, […]

  • Ads October 18, 2022

  • Spider-Man: No Way Home’s First Trailer Spins a Whole New Adventure

    SONY Pictures and Marvel Studios have just dropped the first trailer for Spider-Man: No Way Home, the third entry in the two studios’ co-stewardship of the latest cinematic Spider-Man.     Tom Holland’s latest solo outing as Spider-Man has given us a glimpse of what to expect, and it seems like Peter Parker’s not quite so happy to […]