Manila Muslim Cemetry, nilagdaan na ni Isko
- Published on March 4, 2020
- by @peoplesbalita
PUMIRMA ng ordinasa si Manila Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso para sa pagpapatayo ng isang sementeryo para sa mga namatay na Muslim na residente ng Maynila sa Manila South Cemetary.
Sa ilalim ng Ordinasa No. 8608, tinawag nitong Manila Muslim Cemetary na may inilaan na P49,300,000 para sa pagpapaayos ng isang bagong sementeryo at suportado dito sina Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, Majority Floor Leader Joel Chua, Second District Councilor Darwin “Awi” Sia at miembro ng Manila City Council.
Sa bagong sementeryo, kabilang dito ang pagpapatayo ng Cultural Hall gayundin ang paglalagay ng isang plantilla para sa mga bagong personnel na magtratrabaho sa ilalim ng Muslim Cemetery Division.
Ang itatayong Manila Muslim Cemetery na sakop ng 2,400 square meters ay magsisilbing exklusibong lugar para sa interment at paglilipat ng labi ng mga namatay na Muslim na residente ng Maynila.
“It is hereby declared the policy of the City Government of Manila to confer recognition to the Muslim community in Manila with their inherent cultural attributes and customary traditions, especially in terms of caring for the remains of their departed, by defining a burial ground in the South Cemetery and a special body intended to manage [it],” nakasaad sa ordinansa.
Papatakbuhin ito at may kontol ang Manila Health Department (MHD).
Paliwanag ni Domagoso na pinirmahan ang nasabing ordinasa para kilalalanin ang kultura at kaugalian ng Manila’s Muslim community.
“Ito ay isang tanda ng ating paggalang sa kasaysayan ng ating minamahal na lungsod na noon ay pinamumunuan tayo ng ating mga kapatid na Muslim, mga Rajah, mga Sultan,” ayon kay Domagoso.
“Sa ganitong paraan lamang, muling naipaalala kung paano nagsimula ang Lungsod ng Maynila bago pa dumating ang mga kastila,” dagdag pa nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Dahil na-enjoy at na-appreciate: CARLA, ilang beses naranasan kaya mas pabor sa lock-in taping
NOONG kasagsagan ng COVID-19 pandemic ay ilang beses nang naranasan ni Carla Abella ang lock-in taping, at mas pabor siya sa ganung situwasyon. “Opo, pero kung tutuusin po hindi ko na po naabutan yung lock-in sa Voltes V: Legacy. “That was the time na medyo lumuwag na po yung restrictions in […]
-
Gawilan bigo sa medalya
Isinara ni national para swimmer Ernie Gawilan ang kanyang kampanya sa Tokyo Paralympic Games na walang nakamit na medalya. Pumuwesto si Gawilan sa ikaanim sa heat 2 ng men’s 100-meter backstroke S7 sa inilista niyang 1:21.60 at minalas na makapasok sa finals kahapon sa Tokyo Aquatics Center. Bigo rin siyang makaabante […]
-
Higit 100 shooters, nakiisa sa AM/FM Invitational Shootfest
MAHIGIT 100 shooters mula sa CAMANAVA (Caloocan, Malabon, Navotas Valenzuela) areas ang sumali sa dalawang araw na 1st AM/FM (Along Malapitan For Mayor) invitational shootfest na ginanap sa Caloocan City Police Station Firing Range. Pinangunahan ni Caloocan 1st District Congressman Dale “Along” Malapitan ang pagbubukas ng seremonya ng shootfest sa pamamagitan ng pagtama ng […]