• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Manilenyo ‘all out’ ang suporta kay Isko

Ngayong nalalapit na ang panahon ng eleksiyon sa bansa, marami na ang nagtatanong at interesadong malaman kung ano ang magiging plano ni Manila Mayor Isko Moreno.

 

 

Tiniyak naman ni Don Ramon Bagatsing na kung ano man ang maging desisyon ni Yorme para sa posisyong kanyang tatakbuhan sa 2020 national and local elections, ay “all out” ang magiging suporta sa kanya ng mga taga-Maynila.

 

 

Kumpiyansa si Bagatsing na anuman ang takbuhang posisyon ni Moreno sa eleksiyon ay magiging mabuti itong public servant at magseserbisyo ito ng buo at tapat para sa ikabubuti ng mga mamamayan.

 

 

“Maraming options si Yorme. He is in a good spot. Dalawang taon na siyang walang tulog, nakita naming mga Manilenyo ang laban niya kontra Covid. Where he intends to go, Manila will follow,” ayon pa kay Bagatsing.

 

 

Matatandaang maugong ngayon ang balitang hindi na tatapusin ni Moreno ang kanyang tatlong termino bilang alkalde ng Maynila at papalaot ito sa national position o sa presidential race.

 

 

Isa rin ang alkalde sa mga posibleng presidential bets na sinasabing pinagpipilian ni Pang. Rodrigo Duterte upang suportahan para sa nalalapit na halalan. (Gene Adsuara)

Other News
  • PBBM, Kamala Harris pinag-usapan ang South China Sea sa Jakarta

    NAGKITA sina Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. at US Vice President Kamala Harris para sa  bilateral talks sa sidelines  sa ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia.     “The two leaders discussed the maritime security environment in the South China Sea, and reviewed opportunities to enhance bilateral maritime cooperation, including alongside likeminded partners,” ayon sa ipinalabas na […]

  • Sara Duterte spokesperson, Mayor Frasco next Tourism secretary, Erwin Tulfo magiging DSWD chief ni Marcos

    LIMA  pang mga incoming cabinet members o top officials ni President-elect Ferdinand Marcos jr. ang inanunsiyo ngayon ng kanyang spokesperson na si Atty. Trixie Angeles.     Tatayong kalihim ng Presidential Management Staff na siyang nagsisilbing “in-house think tank” ay si dating Manila Rep. Naida Angping.     Habang ang susunod na magiging Tourism secretary […]

  • DOH nagdeklara ng Code White

    NAGDEKLARA na  ng Code White ang Department of Health (DOH) sa mga ospital malapit sa Kanlaon Volcano.     Payo ng DOH sa mga residente , mag-ingat at making sa mga  abiso ng local government officials .     Ang pagdedeklara ng Code white alert ay kadalasang ginagawa tuwing malalaking kaganapan o holidays na nagdudulot […]