• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MANILENYO ANG MAGBABAYAD SA IIWANANG P15-B UTANG NG GOBYERNO NI MAYOR ISKO

MAMAMAYAN ng Maynila ang pahihirapan ng napakalaking utang — tinataya sa mahigit na P15-bilyon na iiwanan ni Manila Mayor Isko Moreno na mali ang prioridad na ginastusan.

 

 

“… magbabayad niyan ang taumbayan sa pamamagitan ng babayaran nila na mataas na taxes,  mataas na (bayad) sa permit, mataas na licenses, at marami pang penalties na magpapabigat sa buhay ng pamilyang Manilenyo,” sabi ni Atty. Alex Lopez sa interview ng pahayagang ito.

 

 

Ayon sa kandidatong alkalde ng Partido Federal ng Pilipinas, siya ay nagtataka kung bakit umutang ng napakalaking halaga ang pamahalaang lungsod na “mali ang pinaggamitan, lalo na ngayong may pandemic.”

 

 

Binanggit ni Lopez ang ginastos na P1.7 bilyong inubos sa renovation ng Manila Zoo.

 

 

“Napakalaki ng inubos sa Zoo, e sa panahon ng pandemya, sino ang mag-aabala na mamasyal, e wala ngang trabaho, mahigpit ang restrictions sa paglabas ng mga tao,” sabi ni Lopez at hinikayat ang Manila City Hall na ipaliwanag ito sa mamamayan.

 

 

Aniya, “badyet na ng tatlong probinsiya ang inubos sa renovation, e wala pa riyan ang pagkain ng mga wild animals.”

 

 

Maibabalik lang ang katatagan ng ekonomya ng Maynila sa pagbabalik ng tiwala ng mga negosyante, sabi ni Lopez.

 

 

“Unprecedented talaga ang inutang na ito. Aba pagsama-samahin ang utang pa sa panahon ni Mahoma at ni (Mayor) Erap, hindi pa nangyari na nagkautang ng ganyan ang Maynila. Sa administrasyon lang na ito nangyari ‘yan.  May dokumento ako na hawak na magpapatunay sa inutang na ito sa Development Bank of the Philippines,” sabi ni Lopez.

 

 

Sa unang interview kay Atty. Alex, sinabi niya na wala siyang balak na tumakbo pero maraming sektor ang lumapit sa kanya na tinutulan ng kanyang maybahay at pamilya.

 

 

“Tutol nga ang misis ko. Nagkonsulta ako sa  marami, sa mga barangay officials, sa mga negosyante,sa mga dati at incumbent congressmen natin, sa mga tanod,, mga vendor at maging sa mga taga-city hall,” sabi ni Lopez.

 

 

Kumunsulta siya sa Biblia, nagnilay-nilay at sa paliwanag ng iba pang malalapit na kaibigan, napapayag na si Lopez.

 

 

Malaking sakripisyo, sabi ni Lopez, ang pagtakbo niya dahil sa kasalukuyan, panatag na, kontento na siya sa kanyang negosyo at hinahawakang malalaking proyekto sa construction business na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso.

 

 

Nang ipaalaala kay Atty. Lopez ang iniwang legacy ng kanyang ama, dating Manila Mayor Mel Lopez,  at ang pagtitiwala sa mga nagpapahayag ng suporta, napapayag siya na maging “credible alternative” na magbibigay ng bagong liderato sa pamahalaang lungsod ng Maynila. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • 2 most wanted persons, nadakma ng Caloocan police

    DALAWANG most wanted persons, kabilang ang isang bebot ang bagsak sa kulungan matapos matimbog ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Caloocan City.     Sa ulat ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, dakong alas-11:30 ng umaga nang madakip ng mga tauhan ng Warrant […]

  • Pagbati bumuhos matapos magkampeon si Alex Eala sa W25 Chiang Rai

    BUMUHOS ang pagbati kay Filipina tennis player Alex Eala matapos na magkampeon sa W25 Chiang Rai sa Thailand.     Tinalo kasi nito si Luksika Kumkhum ng Thailand sa score na 6-4, 6-2.     Ito na rin ang pangalang international Tennis Federation (ITF) champion title ni Eala kasunod ng pagkawagi nito sa W15 Manacor […]

  • Nanghihinayang nang ‘di nasamahan… ANDREW, apektado sa pagpanaw ni RONALDO na tinuring na ring lolo

    MARAMI ngang nagulat sa biglaang pagpanaw ng beterano at premyadong aktor na si Ronaldo Valdez, kaya nagluluksa na naman ang entertainment industry.     Marami ring kapwa-artista ang may kanya-kanyang post na karamihan ay naging close at na-touch sa kabaitan ng aktor at isa si Andre Gan Calupitan na nakasama niya sa ‘2 Good 2 […]