Manuel, Alaska Milk nagpapataasan ng ihi
- Published on January 30, 2021
- by @peoplesbalita
PAREHONG nagmamatigasan sa isa’t isa si Victorino ‘Vic Manuel at ang Alaska Milk kaya wala pa ring nangyayari sa inisyal na usapan para sa contract extension ng Aces baller patungo sa pagbubukas 46th Philippine Basketball Association (PBA) 2021 Philippine Cup sa Abril 9.
Maaaring ikunsidera ng 33 taong-gulang, 6-4 ang taas na forward at nasa kuwadra ni veteran players agent Danny Espiritu, na mag-sit out na lang muna o hintayin ang implementasyon sa taong ito ng ‘tunay’ na unrestricted free agent ng propesyonal na liga.
Hindi kumakagat ang 11 iba pang mga koponan sa hiling ng incoming nine-year pro veteran na i-trade siya ng gatas.
Ito’y dahil sa mabigat din ang hinihirit ng Uytengsu franchise, isa na rito ang North Luzon Expressway na tumalikod dahil sa ang hinihinging kapalit ay Kiefer Isaac Ravena. (REC)
-
US-based firm, nangako na dadagdagan pa ang pamumuhunan sa Pilipinas
NANGAKO ang Cerberus Global Investment LLC na nakabase sa US ng dagdag na pamumuhunan at pagpapalawak sa Pilipinas, ayon yan sa Malacanang. Sa paglitaw mula sa isang pulong sa mga nangungunang executive ng kumpanya, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang karagdagang pamumuhunan sa paggawa ng barko ay magbibigay-daan sa bansa na mabawi […]
-
1,943 traditional jeepneys balik kalsada
Bumalik na sa kalsada ang may 1,943 na traditional jeepneys na papasada sa 17 routes sa Metro Manila na binigyan ng pahintulot ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Sa ilalim ng isang LTFRB memorandum circular, ang mga traditional jeepneys ay maaari ng bumalik sa kanilang operasyon kahit na walang special permits. Subalit […]
-
Higit 1K bilanggo sa Manila City Jail may TB
INIULAT ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na mahigit 1,000 bilanggo sa Manila City Jail ang dinapuan ng pulmonary tuberculosis. Tiniyak naman ni BJMP National Capital Region (NCR) spokesperson Midzfar Omar na ang mga naturang preso ay kasalukuyan nang naka-isolate at nilalapatan ng lunas. Mayroon pa umanong nasa 200 […]