• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mapanganib na init ibinabala ng PAGASA

MAY dalawang lugar din ang tatamaan ng hanggang 42°C heat index kabilang ang Pili sa Camarines Sur, at Zamboanga City.

 

 

Dito naman sa Metro Manila, posibleng umabot din sa hanggang 40°C ang alinsangan na pasok na rin sa ‘extreme caution’.

 

 

Ayon sa PAGASA, kapag umabot na sa ‘danger level’ ang heat index, posibleng mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.

 

 

Nagbabala rin ang PAGASA sa exhaustion o sobrang fatigue, matinding pagpapawis, pagkahilo, panghihina ng katawan na may mabilis na tibok ng pulso, pagkahilo at pagsusuka.

 

 

Pinapayuhan din ang publiko na hangga’t maari ay iwasan ang paglabas ng bahay, uminom ng maraming tubig, iwasan na muna ang pag-inom ng soda, kape, tea at maging ng alak. Kung hindi maiiwasan at lalabas ng bahay ay magdala ng payong, sombrero at iba pang proteksiyon sa matinding init ng panahon.

 

 

Sa pinakahuling heat index bulletin ng state weather bureau na PAGASA, nabatid na apat na lugar sa bansa ang kasalukuyang nakakapagtala ng labis na init ng panahon na nasa 42 hanggang 51 degrees Celcius, na ikinukonsidera nang mapanganib o nasa ilalim ng “danger” classification.

Other News
  • KILOS PROTESTA, GINAWA SA HARAPAN NG COMELEC

    NAGSAGAWA  ng kilos-protesta ang iba’t ibang grupo sa tapat ng Palacio Del Gobernador o tanggapan ng Commission on Elections (Comelec)  sa Intramuros, Maynila.     Sa pinakahuling update ng Manila Police District (MPD) nagsimula ang rally alas 9 ng umaga ngunit natapos din alas 10:33 .     Kabilang sa mga nagprotesta ang grupo ng […]

  • DINGDONG at MARIAN, dedma at ayaw nang patulan ang isyung ‘nakabuntis’

    DEDMA as in dedma ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera sa ginagawang isyu o paninira sa kanilang mag-asawa.   Walang sinasagot si Marian sa mga netizens na nagtatanong tungkol sa pinakakalat na fake news tungkol sa mister niya at sa dati nitong co-star sa dating serye sa GMA-7. Obviously, ayaw patulan ng mga ito. […]

  • Psalm 18:1

    I love you, O Lord, my strength.