Marami ang natuwa nang mag-guest sa ‘It’s Showtime’: MICHAEL V., may pahiwatig sa possible collab nila ni VICE GANDA
- Published on August 22, 2023
- by @peoplesbalita
MARAMI ang natuwa nang mag-guest si Michael V. o si Bitoy sa “It’s Showtime” bilang bahagi ng birthday celebration ng kanyang kaibigan na si Ogie Alcasid last Saturday.
At hindi ito rito nagtapos. Nag-post si Bitoy sa kanyang Instagram account ng picture kasama si Vice Ganda at gayundin ng iba pang co-host ng noontime show.
As we all know, naging posible ang guesting ng mga Kapuso stars sa “It’s Showtime” simula nang napapanood na ito sa GTV.
Sabi ni Bitoy sa kanyang post, “Recently, tuwing nagko-cross ang paths namin ni Vice Ganda, isa lang ang laging pumapasok sa isip ko… ‘possibilities.”
At “In a time na parang “puwede na”, ano sa tingin n’yo ang posibleng mangyari?”
Tila na-excite naman kahit ibang celebrities sa post na ito ni Bitoy. Si Dawn Zulueta ay napa-comment na, “Do it!”
Si Jerald Napoles naman, “Nakaka excite kuya idol!”
Pahiwatig na kaya ito ng collab naman between Michael V and Vice?
***
ANG kilalang kambal na sina Kitty and Kakai Almeda ay celebrity endorsers na rin ng So…? Fragrance events at magkakaroon sila ng Fragrance Grand Launch sa SM Mega Fashion Hall sa August 22-23.
Makilala sina Kakai at Kitty sa Meet Kitty & Kakai Almeda at the So…? Fragrance Grand Launch kaya pwede-pwedeng na itong mapuntahan.
Sina Kitty at Kakai ang kambal na madalas viral ang mga post sa social media accounts nila. At sa Tiktok na lang, meron silang 4.7 million followers.
Ang kambal ay under ng management ng Triple A Entertainment. Kaya kasama nila rito sina Maine Mendoza at Marian Rivera.
(ROSE GARCIA)
-
90% ng mga Pinoy iboboto ang mga kandidatong may adbokasiya para sa food security, healthcare
TINATAYANG 90% ng mga Filipino ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa mga kandidatong magiging tagapagtaguyod o may adbokasiya para sa food security at makapagpapalakas sa health care system. Ito ang lumabas sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS). Makikita rin sa SWS survey, isinagawa mula Pebrero 15 hanggang 19 at kinomisyon ng Stratbase Group, […]
-
Ads August 31, 2024
-
Pagbati bumuhos kay retired NBA great Dwayne Wade matapos maging co-owner ng Utah Jazz
Bumuhos ang pagbati kay retired NBA player Dwayne Wade matapos kumpirmahin nito na kabilang na siya sa may-ari ng NBA top team ngayon na Utah Jazz. Kung maalala huling naglaro si Wade, dalawang taon na ang nakakalipas sa ilalim ng Miami Heat kung saan inabot siya ng 14 na season. Ang […]