• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marami pang INFRA PROJECTS para palakasin ang ekonomiya ng MIMAROPA – PBBM

NAGSASAGAWA ang gobyerno ng mas maraming pangunahing infrastructure projects sa Mindoro Occidental, Mindoro, Oriental, Marinduque, Romblon at Palawan (MIMAROPA) region para palakasin ang ekonomiya nito.
Sa isinagawang pamamahagi ng financial aid sa Palawan, araw ng Huwebes, sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang gobyerno ay hindi lamang masigasig sa pagbibigay ng social services kundi nais din nito na matiyak na maayos na naipatutupad ang infrastructure programs sa rehiyon.
“Higit pa sa mga tulong at serbisyong ito, kami po ay patuloy na kumikilos upang palakasin ang ekonomiya ng rehiyon ng MIMAROPA,” ayon kay Pangulong Marcos.
Kabilang sa mga priority projects ng administrasyon ay Ibato-Iraan Small Reservoir Irrigation Project sa Aborlan (dam component na 95.15% completion rate) at pagpapalapad ng kalsada ng Dr. Damian Reyes Road sa Marinduque na may 45.45% completion rate.
“The Balabac Military Runway is nearing completion at 89.30 percent,” dagdag na wika ng Pangulo.
Ang iba pa aniyang priority infrastructure projects ay iyong magbubukas sa rehiyon sa bagong investments, maginhawang transportasyon at palakasin ang sektor ng turismo.
“Kasama [rin] siyempre sa ating prayoridad ang pagpapalago ng turismo sa inyong lalawigan at pagpapabuti pa [ng] daloy ng transportasyon dito,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.
“Ito’y gagawin natin sa pamamagitan ng Puerto Princesa Airport Development Project  at Pag-asa Island Airport Development Project” aniya pa rin.
Tinuran pa ng Pangulo na may nagpapatuloy na negosasyon sa private proponent ukol sa planong Puerto Princesa Airport Development Project para ayusin ang ‘airport facilities at sebisyo.’
“For the Pag-asa Island Airport Development Project, procurement of land for the runway extension is underway. Once completed, the project is expected to provide an efficient mode of travel to and from the island,” ayon sa Pangulo.
Ang Pag-asa Island ay kinokonsidera bilang Geographically Isolated and Disadvantaged Area.  (Daris Jose)
Other News
  • JENNYLYN, kinutuban pero wala talagang idea sa pagpo-propose ni DENNIS; wish nila na magkaroon naman ng baby girl

    “WE are getting married,” pahayag ng mga Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa “Chika Minute” ng 24 Oras last Friday, October 29.      Inamin na rin ni Dennis na isang intimate at simple, but heartfelt proposal lamang ang ginawa niya.     “Wala akong idea tungkol sa proposal,” sabi ni […]

  • LA LAKERS, ‘DI MUNA MAGSASAGAWA NG ANUMANG URI NG SELEBRASYON HANGGA’T MAY PANDEMYA

    PORMAL nang inanunsyo ng Los Angeles Lakers na hindi raw muna sila magsasagawa ng anumang uri ng selebrasyon bilang pag-iingat sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).   Kasunod ito ng pagkakasungkit nila ng kampeonato sa NBA Finals matapos ang isang dekada.   Sa pahayag ng Lakers, matapos ang kanilang konsultasyon sa mga city authorities ay nagkasundo […]

  • Para sa mahusay na pagganap sa ‘Cattleya Killer’: ARJO, tinanghal na Best Male Lead sa ‘ContentAsia Awards 2024′

    KINILALA na naman ang husay sa pag-arte ng multi-awarded actor turned politician na si Congressman Arjo Atayde matapos na parangalan sa ContentAsia Awards 2024 na ginanap nitong Huwebes, September 5 sa Taipei, Taiwan.   Si Arjo ang nanalo bilang Best Male Lead in a TV Programme/Series para sa kanyang pagganap bilang Anton dela Rosa sa […]