Marami pang tinutulungan hanggang ngayon: KATHRYN, nakapagpatapos sa kasama noon sa ‘Goin’ Bulilit’
- Published on February 10, 2024
- by @peoplesbalita
IILAN lang ang nakakaalam sa pagiging matulungin ng Kapamilyang aktres na si Kathryn Bernardo.
Ayon pa sa tsika sa amin ng isang taga-ABS-CBN na malapit din kay Kathryn ay may mga natulungan siya na mga kasamahan niya dati sa “Goin Bulilit”
“Sa totoo lang, ayaw mang ipagsabi , eh, ikinuwento sa amin ng isang sa isang dating mainstay ng ‘Goin Bulilit’ na kaya raw siya nakapagtapos ng pag-aral niya dahil sa financial na tulong ni Kath,” sey pa ng source namin.
Dagdag pa rin nito na marami pa raw sa mga dating kasama ng nabanggit na TV show ang hanggang ngayon ay tinulungan ng ex ni Daniel Padilla.
Malaking dahilan daw ang ina ni Kath na si Min Bernardo kung kaya nagawa ng aktres na bahagian ng perang kinita niya sa pag-artista ang mga humingi ng tulong sa kanila lalo na pagdating sa edukasyon.
***
NAKA-RELATE kami kay IC Mendoza na na-scam ng worth P30k thru online transactions.
Sa programang ‘TV Patrol’ay iniulat ang nasabing pangyayari sa anak ni Dolly Anne.
Sa kuwento pa ni IC ay nag-chat daw sa kanya ang isang kakilala at nanghiram ng 30k.
Walang kaabog-abog ay agad naman niyang pinadalhan ang nangutang sa kanya.
Sobrang nadala raw si IC sa naging mensahe sa kanya na nanghiram at anak pa ang tawag sa kanya.
Kaya tinanong agad ni IC kung magkano ang hihiramin ng nangutang.
“I transferred 30k agad from my e-wallet to hers,” sey pa ni IC.
Kamamadali raw niya at sa awa niya rin sa taong nanghiram kung kaya nagpadala agad siya without confirming.
Hindi pa rin daw nakuntento yung nangutang at nagpadala pa agad ng mensahe para humiram pa ulit ng 40k, huh!
Doon daw kinabahan si IC kung Kaya tinawagan niya ang isang malapit sa kanya pero doon niya nalaman na na hack ang Facebook niya.
Agad naman daw tinawagan ang hacker/scammer at nakiusap na kahit kalahati lang ay maibalik sa kanya.
As usual nalaman na lang ni IC na naka-block na siya.
Kasalukuyang iniimbestigahan na ng NBI ang reklamo ng actor at TV host. Incidentally, nangyari rin sa amin ang naranasan ni IC.
Nalagasan kami ng total of 48k sa dalawang magkasunod na transaksiyon three months ago.
Ang nakaloka pa Hindi ko pera yun, huh!
***
MULING nagbabalik ang search for “Miss Mandaluyong” after ng tatlong pamamahinga dahil sa pandemya.
Last 2020 huling ginanap ang Patiño. Alam na ito para sa mga dalawang nasasakupan ng siyudad ng Mandaluyong.
Last Tuesday night at kagaya ng mga dating pa search ay may kanya kanyang representative ang bawat barangay.
Ang nanalong Miss Mandaluyong 2024 ay si Allina Queenie Habana mula sa Brgy. Buayang Bato.
Ang first runner up ay ang early favorite na si Tammy Tamara Rose Francine Caballero.
Win naman si Tammy na representative ng Brgy Hagdan Bato Itaas ng mga major awards kagaya ng Best in Swimsuit. Best in Casual Wear at iba pang special awards.
Congrats to all the winners and also to the city officials ng Mandaluyong na nagdiwabg ng kanilang anibersaryo
(JIMI C. ESCALA)
-
Higit 10% ng populasyon ng Pinas fully vaccinated na kontra COVID-19
Sinabi ito ni Galvez matapos na dumating kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang karagdagang mahigit 300,000 Moderna vaccines. Sinabi ni Galvez na mahgit 24.1 million ng bakuna na magkakaiba ang brands ang nagamit na sa iba’t ibang panig ng bansa, kung saan 12.9 million dito ang first dose at 11.2 million […]
-
Dwight Howard, ‘di pa rin sigurado kung maglalaro sa NBA restart – Lakers GM
Hindi pa rin umano sigurado ng Los Angeles Lakers kung maglalaro ba sa pagbabalik ng season si big man Dwight Howard. Una nang naghayag ng kanyang pagkabahala si Howard dahil sa napipintong NBA restart, pero hindi pa raw nito inaabisuhan ang kanyang team tungkol sa kanyang magiging plano. Sa kalagitnaan ng isyu sa […]
-
Kelot arestado sa P102K shabu sa Valenzuela
KULONG ang isang hinihinalang tulak ng illegal na droga matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang naarestong suspek na si Allan Warde, 39 ng […]