MARAMING MGA TANONG at HAKA-HAKA ang TAUMBYAN TUNGKOL sa mga PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTERS (PMVIC)!
- Published on January 20, 2021
- by @peoplesbalita
NAKARATING sa LAWYERS COMMUTERS SAFETY and PROTECTION (LCSP) ang ilan sa mga ito at gusto natin i-post dito ang mga damdamin at saloobin ng tao tungkol dito, dahil kailangan malaman ng taumbayan kung ano ba talaga itong PMVIC na ito:
Saan nagmula ito? Solution ba talaga ito para raw bumaba ang aksidente sa lansangan? Napag-aralan bang mabuti ito?
Samantala, may pending investigation pa sa Committee on Transportation ni Cong. Sarmiento tungkol sa PMVIC! Wala pa nga lang resolution dahil nahinto ang mga meetings dahil sa pandemia;
Maraming mga tanong at haka-haka: Wala bang anomalya o corruption sa pagkakabuo nito?
Dapat din na ma-imbestigahan ni Cong. Marcoleta ang ibinunyag nya na “garapalang singilan” daw sa LTO patungkol sa mga PMVIC; pero bakit imbes na imbestigahan para may makasuhan at may makulong ay iniutos pa ni Cong. Marcoleta kay Assec. Galvante na agad payagang mag-operate ang mga PMVIC? Bakit?
May pending investigation din si Cong. Sarmiento sa P800M na binigay na budget sa LTO para gamitin sa pagpapatayo ng mga bagong MVIS. Nakakapagtaka kung bakit hindi daw ginamit ang budget at bagkus ay ipinasa pa sa mga pribadong negosyante ang pagi-inspeksyon ng mga sasakyan na kung saan namuhan ng P60M (ayon kay Cong. Marcoleta) bawat isa, sa pagpapatayo ng center.
Dapat din po malaman ng taumbayan kung sinu-sino itong mga namuhunan ng P60M bawat isang PMVIC, maaring magulat kayo kapag nalaman nyo kung sino ang mga ito!
Kanino ngayon babawiin ang halagang ito na pinuhunan nila? Eh diba sa taumbayan na naman na bugbog na sa gastusin! Kaya naging napakamahal ngayon ng kailangang bayaran ng mga tao para makapag rehistro ng kanilang mga sasakyan. More or less 450% ang itinaas. Bukod pa ang gastusin sa ipapagawang sira ng kanilang sasakyan na makikita sa PMVIC inspection.
Sa haba ng pila sa PMVIC, masasayang din ang isang araw dahil mawawalan ng sweldo ang tao dahil kailangang lumiban sa trabaho.
Kailangang imbestigahan ito ng Congreso at Senado. Nagtataka ang marami bakit tahimik sila tungkol dito!
Sa totoo, gustong malaman ng bayan kung sinu-sino ang mga may-ari ng mga PMVIC! (ATTY. ARIEL ENRILE-INTON)
-
Nasa 1.5-M manggagawa nawalan ng hanapbuhay dahil sa ECQ sa NCR plus – Sec. Lopez
Tinatayang nasa 1.5 million manggagawa ang nawalan ng trabaho sa kasagsagan ng dalawang linggo na enhanced community quarantine sa Greater Manila Area, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI). Sa isang briefing, sinabi ni Trade Secretary Ramon Lopez na sa halos 1.5 million displaced workers, 500,000 rito ang nakabalik na sa kanilang […]
-
Football legend Diego Maradona pumanaw na, 60
Pumanaw na ang football legend na si Diego Maradona sa edad 60. Ayon sa kampo nito, inatake umano sa puso ang dating Argentina attacking midfielder. Noong nakaraang mga linggo ay inoperahan ito dahil sa blood clot sa kaniyang utak ganon din sa pagsasailalim dito sa gamutan dahil sa pagiging lango sa alak. […]
-
Pdu30, ibebenta ang mga ari-arian ng pamahalaan na walang pakinabang
TALAGANG ibebenta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga ari-arian ng gobyerno na wala namang pakinabang. Subalit, nilinaw ni Presidential spokesperson Harry Roque na gagawin ito ng Pangulo kung kinakailangan na ng taumbayan. “Uulitin ko lang po ang sinabi ng Presidente, talagang ibebenta niya ang lahat kung kinakailangan ng taumbayan,” ayon kay Sec. Roque. […]