• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming natutulungan dahil sa tinayong comedy bar: VICE GANDA, pinasasalamatan ng mga komedyante tulad nina Petite at Divine Tetay

SINGLE si Jean Garcia at kuntento na raw siya na wala siyang inaalagaan at walang problema pagdating sa topic ng pag-ibig.

 

Mas importante raw sa aktres ang kanyang pagmamahal sa mga anak, sa dalawang apo at sa kanyang sarili.

 

“Hindi ko alam kung nakasanayan na lang or siguro mas tinanggap ko na lang. Kasi ayoko na ulit masaktan. Saka hindi na ako ‘yung sa hindi ako ready or I’ll find the right person.“Kung darating, darating. Pero kung hindi, it’s okay. I’m a better person, mas strong, mas mahal ang sarili,” sey ni Jean na tumatanggap ng maraming papuri sa role niya as Aurora Palacios sa ‘Widows’ War’ ng GMA Prime.

 

***

 

KABILANG ang mga komedyanteng sina Petite at Divine Tetay sa nagpapasalamat kay Vice Ganda dahil binalik nito muli ang saya ng comedy bar.

 

Noong magkaroon ng pandemic, nagsara ang mga comedy bars at nawalan ng kabuhayan ang maraming beki.

 

“Nagpapasalamat kami kasi parang bumabalik na siya ulit. Kasi nawalan po kami ng tahanan, Punchline and Laffline closed so until ‘yun nga pandemic happened. Now nagkakaroon na kami ng napupuwestuhan namin sa bagong bahay ng komedya ang Vice Comedy Club,” sey ni Tetay

 

Ang Vice Comedy Club na pagma-may-ari ni Vice Ganda ay magbibigay ng trabaho sa maraming beki na nahasa sa pag-host at pag-perform sa comedy bars gaya ni MC, isa sa tatlong Beks Battalion member at isa sa “It’s Showtime” co-host.

 

Sey ni Petite: “Kapag kasama ka niya, hindi puwedeng hindi ka mag-moment. Okay lang si MC na hindi mag-moment, basta ‘yong kasama niya mag-moment.”

 

Kasama rin sa listahan nina Tetay at Petite sa kanilang mga idolo ay sina Negi at Donita Nose.

 

***

 

TULOY na ang reunion movie nila Lindsay Lohan at Jamie Lee Curtis. Ito ay ang sequel sa kanilang 2003 comedy na ‘Freaky Friday.’

 

Pinost ng Walt Disney Studios via IG ang photo ni Logan at Curtis sa labas ng trailer na may caption na: “The Colemans are back and coming to theaters in 2025! The sequel to Freaky Friday is now in production!”

 

Nag-gross ng $160 million ang Freaky Friday 21 years ago. Babalik din sa sequel ang original cast na sina Mark Harmon, Chad Michael Murray, Christina Vidal Mitchell, Haley Hudson, Lucille Soong, Stephen Tobolowsky and Rosalind Chao.

 

Nagkaroon ng successful comeback si Lohan via Netflix’s romantic comedies Falling For Christmas and Irish Wish. Nagwagi naman ng Oscar award si Jamie for Everything, Everywhere All At Once in 2023.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Informal workers hindi kasama sa panukalang subsidiya ng pamahalaan; MSMEs, prayoridad

    NILINAW ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi raw kasama ang lahat ng minimum wage earners sa P24 billion na panukalang subsidiya ng labor department.     Sinabi ni Labor Asec. Dominique Tutay, hindi raw kasama sa naturang panukala ang mga freelancers o informal sector workers.     Ang pinag-uusapan daw kasi […]

  • Crime rate bumaba ng 73.76%

    BUMABA na sa 73.76% ang mga naitatalang krimen sa bansa simula Hulyo 2016, kung kailan nagsimulang manungkulan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.     Sa lingguhang Talk to the People ni Pang. Duterte nitong Lunes ng gabi, sinabi ni DILG Sec. Eduardo Año na mula sa 131,699 crime index sa bansa ay nasa 34,552 na […]

  • Pagbili ng PPEs ng administrasyong Duterte, lehitimo-Sec. Roque

    MULING iginiit ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang pagbili ng administrasyong Duterte sa personal protective equipment (PPE) noong nakaraang taon ay lehitimo.   Bagaman gumamit si Sec. Roque ng kahalintulad na talking points, pinili ni Sec. Roque na gumamit ng “visual” route sa kanyang virtual press briefing, araw ng Lunes sa pamamagitan ng paggamit […]