• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming natutunan sa mga nakarelasyon: JEAN, mahilig sa mga bad boy kaya ‘di naging successful

MARAMI raw natutunan si Jean Garcia sa kanyang mga naging karelasyon noon.

 

Hindi man daw perpekto lahat, pero importante raw yung may respeto sila sa isa’t isa. “Ang natutunan ko, sa dami ng relasyon din na dinaanan ko, siguro number one is respeto talaga. Respeto at pagtanggap. “Kapag pinili mong mahalin ang isang tao unahin mo ang respeto at unahin mong tanggapin muna ang lahat ng nasa kanya. “Kasi kapag nasa loob ka na ng relasyon, kahit gaano mo kamahal, kapag dumating ka pa rin sa point na ‘Ay hindi ko pala kayang tanggapin ‘yung ganito niya,’ maghihiwalay at maghihiwalay kayo. So ito, pagtanggap talaga. “Sarili mo lang ang aalagaan mo at mga tao lang na gusto mo talagang alagaan,” sey ni Jean.

 

Nang tanungin kung ano pinakagusto at pinakaayaw niya sa mga lalaki?

 

Sey ni Jean: “Very childish at saka very matitigas ang mga ulo. O ‘yung mga nakilala ko, matitigas talaga ang mga ulo? Mahilig yata ako sa mga bad boy eh, kaya hindi naging successful.

 

“The best in men. Kung talagang mahal ka, they will fight for you no matter what.”

 

Balik sa paggawa si Jean ng teleserye via ‘Maging Sino Ka Man’ na bida sina Barbie Forteza at David Licauco.

 

***

 

SI Mikoy Morales na nga ang puwedeng matawag na “Pambansang Sidekick” dahil lagi raw siyang kinukuhang best friend o sidekick ng mga leading men ngayon sa GMA.

 

Huli ngang naging sidekick si Mikoy ay kay Ruru Madrid sa ‘Lolong’, ngayon ay sidekick siya kay Pambansang Ginoo David Licauco sa bagong action-serye na ‘Maging Sino Ka Man.’

 

Gaganap si Mikoy bilang si Gordon a.k.a. Libag na best friend ni Carding. Sa origihal na 1991 film version, Si Dennis Padilla ang sidekick ni Robin Padilla. Si Barbie Forteza naman si Monique na ginampanan sa pelikula ni Sharon Cuneta.

 

Excited daw si Mikoy na makasama sa isang project sina Barbie at David. Lalo na raw si Barbie na in-demand bilang leading lady.

 

“Sana makita nila kung gaano siya kagaling. Hindi lang kung gaano siya kaganda, hindi lang kung gaano siya binibida ng GMA. Prime na natin si Barbie, ‘di ba? Sana makita rin nila kung gaano siya kagaling talaga,” sey ni Mikoy.

 

Ine-enjoy daw ni Mikoy ang mga roles na binibigay sa kanya ng GMA, malaki man ito o maliit.

 

“Yun ‘yung masaya sa pagiging best friend lagi ng bida, ang dami laging taping! So I think it’s a fun role, it’s always a fun role to be na maging ganon na best friend or kung ano man tawag doon. Pero it’s always a challenge din kung paano siya iibahin everytime.”

 

Nagbiro pa si Mikoy na dalawa lang daw silang pinagpipilian na best friend sa GMA. Yung isa raw ay si Buboy Villar.

 

Noong nakaraang buwan ay nanalo ng Balanghai trophy for best actor si Mikoy para sa Cinemalaya film na ‘Tether.’

 

***

 

NAKAKA-PROUD ang Pinoy drag performer na si Mac Coronel or mas kilala ngayon bilang impersonator ni Taylor Swift na si Taylor Sheesh dahil kilala na siya sa ibang bansa.

 

Na-feature recently si Taylor Sheesh sa US morning show na Good Morning America. Pinakita ang ilang video clips ng pag-perform niya sa mga shopping mall na naging patok sa Filipino audience na fans ni Taylor Swift.

 

Nasabi nga ni Mac na kaya raw niya ginawang mag-perform ay dahil hindi raw nakasama ang Pilipinas sa mga bansa sa Asia na pagtatanghalan ng The Eras Tour ni Taylor. Kaya siya na lang daw ang magbigay aliw sa pag-lipsync sa mga pinasikat na songs ni Taylor.

 

Pinuri ng reporter ng ‘Good Morning America’ ang hitsura at pag-perform ni Mac as Taylor Sheesh: “Everyone wants a piece of Taylor Swift these days but her Eras Tour isn’t going anywhere which is why Swifties have to be creative. While Swift is bejeweled, Taylor Sheesh can still make the whole place shimmer. So creative, the costuming, the visuals.”

 

Malaking tulong raw ang exposure na ito para kay Mac para lalong mapalawak pa niya ang kanyang impersonation kay Taylor. At kasama na raw sa pangarap niyang ma-meet in person si Taylor Swift at makasabay niya itong mag-perform sa entablado.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • PCOO Sec. Andanar, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na si dating Deputy Speaker at Cebu City First District Rep. Raul del Mar

    NAGPAABOT ng pakikiramay si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa pamilya ni  dating  Deputy Speaker at Cebu City First District Rep. Raul del Mar na pumanaw, Lunes ng gabi.   Si Del Mar, na nagsilbi bilang kongresista ng north district ng Cebu City sa loob ng 9 na termino simula 1987, ay […]

  • Ads June 21, 2021

  • PBBM naglabas ng P173-M standby funds para sa apektado ng Super Typhoon Egay

    PINATITIYAK ni Pang. Ferdinand Marcos na nakahanda na ang P173 million standby-fund na gagamitin para sa halos 40,000 pamilyang apektado ng Super Typhoon Egay.     Ipinag-utos na rin ng Pang. Marcos ang deployment ng mga search and rescue teams sa mga lugar na lubhang naapektuhan ng super typhoon.     Nananatiling nakatutok ang Pangulo […]