• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PCOO Sec. Andanar, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ng pumanaw na si dating Deputy Speaker at Cebu City First District Rep. Raul del Mar

NAGPAABOT ng pakikiramay si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar sa pamilya ni  dating  Deputy Speaker at Cebu City First District Rep. Raul del Mar na pumanaw, Lunes ng gabi.

 

Si Del Mar, na nagsilbi bilang kongresista ng north district ng Cebu City sa loob ng 9 na termino simula 1987, ay binawian ng buhay sa  ospital sa Maynila sa edad na  79.

 

Kinumpirma naman ni House of Representatives Secretary-General Jocelia Bighani-Sipin ang pagkamatay ni  del Mar.

 

“We pray for the eternal repose of his soul, and for his family and loved ones to find strength in this time of grief,” ang pahayag ni Sec. Andanar.

 

Sinabi ni Sec. Andanar na ang commitment ni del Mar sa kanyang trabaho ay palaging maaalala ng kanyang mga constituents na kanyang napagsilbihan sa panahon ng kanyang panunungkulan partikular na iyong mga “under privileged.”

 

Pinuri rin niya si del Mar para sa pagtulong nito sa  “growth and development” ng kanyang distrito  aspeto ng   infrastructure, social services, at poverty alleviation.

 

Hindi rin nakalimutan ni Sec. Andanar  na purihin si del Mar para sa kanyang legislative work pagdating sa media concerns.

 

Si Del Mar ay principal author ng  Republic Act No. 11122 of 2018 “which declares September 21 of each year as a working holiday in the cities and province of Cebu in celebration of the Cebu Press Freedom Day.”

 

“Being the son of a journalist and a manager of a local newspaper, his dedication to promote and improve a free yet responsible journalism and media landscape is truly worth noting, which led to people hailing him as ‘Kampeon sa Medya,’” aniya pa rin.

 

Kaugnay nito, nagpaabot din  ng pakikiramay ang liderato ng Kamara sa pagpanaw kahapon ni Cebu Rep. Raul Del Mar.

 

Sa mensaheng ipinadala ni House Speaker Lord Allan Velasco, ipinaaabot nila sa pamilya at sa mga kasamahan ang kanilang pakikidalamhati at panalangin para sa ng yumaong kongresista.

 

Ayon kay Velasco, naipakita ni Del Mar ang passion at commitment nito sa pagseserbisyo publiko sa loob ng siyam na termino bilang kongresista mula pa noong 1987.

 

Sa loob aniya ng 27 taon ay perfect attendance din ang mambabatas at regular itong dumadalo sa mga sesyon at pagdinig.

 

Sinabi naman ni Majority Leader Martin Romualdez na hindi malilimutan si Del Mar dahil sa edad nitong 79 taong gulang ay hindi ito napagod na pagsilbihan ang kanyang mga kababayan kahit pa sa gitna ng COVID-19 pandemic. (Daris Jose)

Other News
  • Pacers inaasahang mas magiging agresibo, makaraang mabaon sa 2-0 lead ng Knicks

    Inaasahang mas magiging agresibo sa susunod na paghaharap ang Indiana Pacers kontra sa New York Knicks. Nabaon pa kasi sa 2-0 lead ng NBA Eastern Conference semifinals ang Indiana. Sa third quarter ipinakita ng Knicks ang kanilang lakas. Nagbuhos pa ng puwersa sa huling bahagi si Jalen Brunson para sa NYK. Nagtapos ang laban sa […]

  • Puntiryang 10 million COVID 19 test, kayang makuha sa loob ng 1st quarter ng 2021

    KUMPIYANSA ang gobyerno na kaya nitong abutin ang 10 milyong target na COVID 19 test sa first quarter ng kasalukuyang taon. Sinabi ni Testing czar at Deputy Chief Implementer Secretary Vince Dizon, halos nasa 7 milyon na ang sumalang sa COVID test at base sa kanilang pagtaya ay kaya namang makuha ang 10 million target […]

  • Diaz pormalidad na lang ng pagpasok sa Tokyo Games

    KABILANG sa top eight sa International Weightlifting Federation (IWF) world ranking sa women’s 55-kilogram event ang mga magku-qualify para  sa 32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan na inurong sa Hulyo 2021.   At sa pag-okupa sa No. 2 sa kasalukuyan, halos pasok na rin ang 29 na taong-gulang, 4-11 ang taas at tubong Zamboanga […]