• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming natuwa sa lumabas na balita… LUIS, mukhang tuloy na sa pagtakbo silang mayor ng Lipa City

KUNG noon ay tinanggihan ng TV host/actor na si Luis Manzano ang pagpasok sa mundo ng pulitika, sa darating na 2025 elections daw ay mukhang “go” na siya.

 

 

Ayon sa nakausap namin na isa sa department heads ng Lipa City hall ay malamang daw si Luis na ang susunod na mayor ng Lipa City.

 

 

Last term na raw kasi ni incumbent Mayor Eric Africa. Wala pa raw namang lumutang na nakahandang pumalit sa pwesto na dating hawak ng inang si Vilma Santos-Recto.

 

 

Pinag-uusapan na raw sa buong Lipa ang nakatakdang pagpasok sa pulitika ni Luis at marami raw ang natutuwa sa balitang tatakbo siyang mayor sa naturang lugar.

 

 

Kumbaga tuloy-tuloy raw ang asenso ng Lipa at magpapatuloy ang pagiging progreso ng siyudad na sinimulan ng ina niyang naging kauna-unahang alkalde ng Lipa.

 

 

Sa latest episode ng “Showbiz Now Na” nitong Lunes, Marso 25, nagpahayag si Cristy Fermin ng suporta kay Luis kung sakali man daw na tumakbo itong mayor. Magaling na TV host si Luis at sa totoo lang din ay magiging isang magaling ding pulitiko.

 

 

“Saka ang dami niyang natutulungan. Bilang celebrity, ang dami-dami niyang natutulungan. At ang kanyang pagtulong po ay hindi niya ipinagmamakaingay,” pahayag pa ni Nay Cristy. Dagdag pa syempre rito ang kanyang mga natutuhan umano sa ina na ilang taon din na nanilbihan sa gobyerno bilang mayor, governor, at congressman sa Batangas.

 

 

Pero wait lang natin dahil may pormal daw na announcement si Luis hinggil dito, huh! Samantala, bukod kay Luis ay may tsikang papasukin na rin ang mundo ng pulitika ng bunsong anak ni Ate Vi at ni Sec. Ralph Recto, huh!

 

 

***

 

 

 

SI Angelu de Leon ang unang pinasaringan ni Claudine Barretto sa anniversary party ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas.

 

 

Ayaw raw makasama ni Claudine si Angelu sa supposed movie na gagawin nila with Judy Ann Santos at Gladys. Nabalita rin hindi na lang pinalaki ang ‘di pag-attend ni Jodi Sta. Maria sa ‘Night of 100 Stars for Mr. M’ (Johnny Manahan) dahil din daw kay Claudine na kinarir ang pag-attend.

 

 

Baka raw naman may prior appointment naman talaga si Jodi kaya ‘di siya nakadalo. Pero ngayon pati rin daw pala si Jolina Magdangal ay isinasangkot din sa pagkakabangga kay Claudine. Dahil pa ba ito sa ‘Iglot’ noon? Eh ‘di kung ganoon, ang dami palang umiiwas kay Claudine, huh!

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Ginebra coach Tim Cone kinuhang assistant coach ng Heat sa NBA Summer League

    ITINUTURING ni Barangay Ginebra head coach Tim Cone bilang isang hamon ang pagkakapili sa kaniya bilang coaching staff ng Miami Heat sa NBA Summer League.     Sinabi ng beteranong coach na inimbitahan siya ng Heat sa summer league game na magsisimula sa Hulyo sa San Francisco at Las Vegas.     Magiging bahagi ito […]

  • Sino pa kaya ang gay celebrities ang lalantad?: RAYMOND, inamin na may boyfriend na at walang dapat itago

    SA podcast ni Wil Dasovich noong June 11 ay ininterbyu niya si Raymond Gutierrez at napunta sa topic ng lovelife ang usapan nila.       Inamin ni Raymond na mayroon siyang boyfriend.       “What is there to hide? There is nothing to hide. If the pandemic taught us one thing, it’s to […]

  • Steph Curry inangkin ang ika-2 NBA scoring title

    Napasa­kamay ni Stephen Curry ang kanyang ikalawang NBA scoring crown habang inangkin ng Portland Trail Blazers ang No. 6 berth sa Western Conference playoffs sa pagtatapos ng regular season games.     Sa San Francisco, nagpasabog si Curry ng 46 points sa 113-101 pagbugbog ng Golden State Warriors (39-33) sa Memphis Grizzlies (38-34) para kunin […]