• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming pinagdaanan, at masuwerteng nakuha ang korona: MICHELLE, nagdalawang-isip pa sa muling pagsali sa ‘Miss Universe Philippines’

NAGING challenge sa newly-crowned Miss Universe Philippines 2023 Michelle Dee ang naging preparation niya para sa pageant dahil marami raw nangyari sa buhay niya emotionally and physically.

 

“Approaching the competition, I was running on 1-2 hours of sleep every day. Miss Universe is the most bardagulan pageant, in my opinion.

 

“You have to dedicate time, not just for the pasarela, which was the walk, but your styling, your Q&A — the Q&A is what I worked on the most.”

 

Noong coronation day, nagising daw si Michelle ng 4 am at nag-training sa kanyang Q&A.

 

“I was so restless, I wanted more training. I told them, ‘keep throwing questions at me.’ I really wanted my mind in the right place.

 

“In the past months, I was fighting for my life, shooting a teleserye, taking care of my two autistic siblings. I was like, ‘if I pull this off, I should be in the next Wonder Woman film!”

 

Nagdalawang-isip pa raw nung una si Michelle kung kaya ba niyang sumali pa sa pageant. Iniisip daw niya ang naging aksidente ng kanyang mga magulang sa Amerika at ang pag-asikaso sa lahat ng pangangailangan ng kanyang mga kapatid.

 

“Hindi ako sure kung kakayanin ko. I needed to outdo my last performance. I was 1st runner up last year so winner na dapat.

 

“Nasa age limit na kasi ako. I’m going to regret it if I don’t join. So I said, I’ll just give it my all, and if destiny permits, sa ‘kin mapupunta ang korona.”

 

Kaya nung siya ang matawag na winner, naging maayos daw ang lahat kay Michelle.

 

“Iba talaga yung energy. May calmness that night. I wasn’t intimidated, I wasn’t pressured. I was in the moment talaga. Everything aligned.”

 

Unang nanalo si Michelle bilang Miss World Philippines noong 2019. Naging 1st runner-up siya sa 2022 Miss Universe PH.

 

This year, she will represent the country sa Miss Universe 2023 pageant sa El Salvador.

 

***

 

NAGING mainit ang pag-welcome kay Matteo Guidicelli sa GMA morning show na ‘Unang Hirit’.

 

Bilang buena mano ay sinalang si Matteo sa isang cooking segment kunsaan nagluto siya ng isang pasta dish. Merong Italian restaurant sa Filinvest Alabang si Matteo kaya marunong siyang magluto ng iba’t ibang pasta dishes. Inamin niya na first time niyang magluto on live television kaya medyo kinakabahan siya,

 

Habang nagluluto ay panay ang bati niya sa kanyang misis na si Sarah Geronimo na maaga raw nagising para panoorin siya sa UH. Binati rin ni Matteo in bisaya ang kanyang pamilya at iba pang mga kamag-anak sa Cebu.

 

Sinama rin si Matteo sa pag-interview sa bagong kinoronahan na Miss Universe Philippines 2023 na si Michelle Dee.

 

Nakatanggap naman ng maraming regalo si Matteo mula sa mga host ng UH. Nakatanggap siya ng avocado, eye patch, coffee mug, neck pillow, eco-friendly utensils at water bottle at stuff toy dog.

 

Ni-research nila na si Matteo ay may sariling farm, animal lover, gumagamit ng sustainable items, coffee drinker, maagang matulog sa gabi kaya maaga itong nagigising.

 

At ang pinakamalaking gift ay galing kay Arnold Clavio na isang blow up photo ni Matteo kasama ang motorsiklo nito sa harap ng GMA Network Center.

 

***

 

MALAPIT nang mapanood ang pinakabagong legal drama series si Jo Berry at ang titulo nito ay ‘Lilet Matias: Attorney-at-Law’.

 

Sa ginanap na story conference para sa naturang serye noong nakaraang May 9, gaganap si Jo Berry bilang isang maliit pero mabagsik na abogada na may malaking pangarap para sa mga naaapi.

 

Iikot ang istorya nito sa kanyang journey bilang isang abogada at sa iba’t ibang kaso na kanyang hahawakan kabilang na ang isang rape case na kasasangkutan ng kanyang half-sister na susubok sa kanyang career at magiging dahilan para mabuo ang kanyang pagkatao.

 

Siguradong kapupulutan din ng aral ang kuwento nito na tatalakay sa iba’t ibang social injustice issues na kinakaharap ng ating bansa gaya na lamang ng discrimination, sexism, abuse, at poverty.

 

Makakasama ni Jo Berry sa naturang teleserye ay sina Joaquin Domagoso, Zonia Mejia, Hannah Arguelles, Sheryl Cruz, Glenda Garcia, Teresa Loyzaga, Jason Abalos, EA Guzman, at Ariel Villasanta.

 

Mula ito sa direksyon ni Adolf Alix Jr.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Kailangan nang magtrabaho para sa medical bills: BIMBY, babalik na ng ‘Pinas after ng birthday ni KRIS

    SI Queen of All Media Kris Aquino mismo ang nagbalita na uuwi na ng Pilipinas ang bunso niyang anak na si Bimby sa susunod na buwan.     After nga ng kanyang health update, inamin ni Kris na kailangan nang magtrabaho ni Bimby dahil tumataas na ang kanyang medical bills.     Isa nga sa […]

  • Ben Platt Reprises His Iconic Role In ‘Dear Evan Hansen’ Film Adaptation

    THE Tony, Grammy and Emmy Award winner Ben Platt is back as the anxious high schooler Evan Hansen.     The generation-defining Broadway phenomenon becomes a soaring cinematic event as Tony, Grammy and Emmy Award winner reprises his iconic role as an anxious, isolated high schooler aching for understanding and belonging amid the chaos and […]

  • COMELEC, maghihintay ng abiso sa Kongreso sa kung paano mapupunan ang mababakanteng puwesto ni Cavite Congressman Boying Remulla na

    HIHINTAYIN muna ng Commission on Elections (Comelec) ang pagdedeklara ng Mababang Kapulungan ng Kongreso para sa vacancy sa puwesto ni Cavite Congressman Crispin “Boying” Remulla.     Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni COMELEC Commissioner George Garcia na dalawang opsyon ang nakikita nila para mapunan ang maiiwang congressional seat ni Remulla kasunod ng pagtanggap […]