• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Maraming Pinoy fans nadismaya dahil sa bigong kunin ng mga NBA teams si Kai Sotto

MARAMING mga Pinoy fans ang labis na nadismaya matapos hindi kinuha ang Pinoy seven-footer na si Kai Sotto sa ginanap na 2022 NBA Draft.

 

 

Mula kagabi hanggang kaninang tanghali ay naging top trending topic si Sotto dahil sa pagbuhos ng mga panawagan at suporta ng mga Pinoy fans sa iba’t ibang dako ng mundo.

 

 

Naging mainit din ang debate, awayan at palitan ng opinyon ng mga fans kung hinog na nga ba talaga sa matinding laro sa NBA ang center na si Sotto.

 

 

Una rito, inabot na ng second round ang draft at 58 mga American college players at international players ang nakuha subalit wala pa ring natatawag na pangalan na Kai.

 

 

Sa kabila nito, marami pa rin ang pumuri sa 20-anyos na si Sotto dahil sa pagtatangka nitong magtala ng kasaysayan at unang homegrown Pinoy na nag-ambisyong maglaro sana sa NBA.

 

 

Para naman sa mga veteran observers, hindi pa rito nagtatapos ang NBA journey ni Sotto dahil napakabata pa nito at maraming pang panahon na mag-i-improve ang laro.

 

 

Anila, marami ang mga ehemplo na mga undrafted players ay naging interesado pa rin ang ilang mga NBA team.

 

 

Halimbawa na lamang ang mga NBA stars na sina Christian Wood, Fred VanVleet, at Seth Curry.

 

 

Para naman kay Sotto malungkot siya sa pangyayari, pero tiniyak niya sa kanyang mga Pinoy fans na hindi siya titigil sa kanyang pangarap na makapaglaro sa NBA at posible pang maglaro ngayon sa NBA summer league.

 

 

“Thank you to everyone for your support and kind words tonight, I won’t stop pursiung the dream of being in the NBA…..this is not the end. I also want to clarify that no decision has been made about me not playing in the summer league. My agent misspoke,” ani Sotto sa kanyang social media account na Twitter.

Other News
  • Ads December 22, 2023

  • Kelot nahulog sa bubong, patay

    Todas ang isang 24-anyos na lalaki matapos mahulog mula sa bubong ng isang warehouse makaraang tumilapon nang sumabog ang transformer sa poste ng meralco sa Malabon city, kahapon ng umaga.     Kinilala ang nasawing biktima na si Jonathan Constantino, 24, plumbing at residinte ng No.212 B. Enriquez St., Brgy. Panghulo, Ubando Bulacan.     […]

  • SWS survey na nagsasabing bumuti ang lagay ng 32% adult Filipino, pruweba na epektibo ang hakbang ng gobyerno kontra Covid response–Malakanyang

    LABIS na ikinatuwa ng Malakanyang  ang pinakahuling survey ng SWS na nagsasabing 32% ng  adult Filipino ang nagpahayag na mas maayos ang kanilang buhay nitong April 2022 kumpara sa  24% noong December 2021.      Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar, isa lamang itong patunay na epektibo ang […]