Maraming social media posts pero tungkol sa mga endorsements: HEART, kinalimutan na ang birthday message sa ‘estranged husband’ na si Sen. CHIZ
- Published on October 12, 2022
- by @peoplesbalita
LAST Monday, October 10, nag-celebrate ng kanyang 53rd birthday si Senator Chiz Escudero.
Nabigo ang mga fans nila ni Heart Evangelista, na magparamdam man lamang kahit sa social media ang actress. Maraming posts si Heart sa kanyang social media pero tungkol lamang iyon sa kanyang mga endorsements.
May nag-try na fan kay Heart na batiin niya si Sen. Chiz, pero photos pa rin ng mga ini-endorse niya ang pinost niya, at doon nga nakita ang fingers niya na hindi na niya suot ang wedding ring nila ng Senador.
Dahil magkakasama si Sen. Chiz at mga kasamahang Senador dahil nag-attend sila sa paglagda ni President Bongbong Marcos ng SIM Card bill, sabi’y nagpa-ice cream siya dahil maraming nagpadala naman ng pagkain sa kanya.
***
MATAPOS muling makatambal ni Kelvin Miranda si Mikee Quintos sa isang episode ng “Magpakailanman” last Saturday, ngayon ay may bago na siyang katambal sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Unica Hija,” si Kate Valdez.
Naiiba ang kanilang seryeng gagawin dahil dual role si Kate sa drama sci-fi series at iyon nga raw ang aabangan ng mga viewers, kung sino sa dalawang Kate ang makakatuluyan ni Kelvin.
Para sa mga fans, bagay daw sina Kelvin at Kate dahil parehong maganda ang mga mata nila, very expressive.
Makakasama nila sa serye sina Katrina Halili, Mark Herras, Faith Da Silva, Athena Madrid, Boboy Garrovillo, Maricar de Mesa, Bernard Palanca, Maybelyn dela Cruz, Biboy Ramirez, Jennie Gabriel, Jemwell Ventenilla, at si Alfred Vargas sa isang natatanging pagganap.
Very soon ay mapapanood na ang “Unica Hija” sa GMA Afternoon Prime.
(NORA V. CALDERON)
-
Pinsala ni bagyong Odette sa Agri sector , malapit ng pumalo sa P13 bilyong piso —DA
MALAPIT nang pumalo sa P13 bilyong piso ang pinsala sa agriculture sector dahil sa naging pananalasa ng bagong Odette. Ayon sa pinakabagong tally na ipinalabas ng Department of Agriculture (DA), ang “damage and losses” dahil sa kalamidad ay P12.7 bilyon “as of January 12, 2022.” Labis na naapektuhan ng bagyo ang […]
-
PRESIDING JUDGE SIBAK SANA KUNDI NAGRETIRO
NAISALBA ng pagreretiro ng isang presiding judge ang sanay pagkakatanggal nito sa trabaho matapos mapatunayang guilty sa kasong Gross Inefficiency and Gross Ignorance of the law dahil sa pagkabigo niya na desisyunan ang ilang kaso na nasa kanyang sala. Sa kabila na retirado na, nagpalabas pa rin ang Supreme Court ng per curiam resolution […]
-
ANGEL, nagpapasalamat sa mga patuloy na nagdarasal sa kapamilya na nagka-COVID-19
NOONG Linggo, pinost nga ni Angel Locsin na feeling helpless siya dahil sa pagkakaroon ng COVID-19 ng kanyang 94-year-old father. Pero hindi lang ang ama na bulag ni Angel ang na-infect sa nakamamatay na virus. Sa IG stories na dinagsa ng mga dasal ay sinabi ng premyadong aktres na sampu pang […]