• April 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PRESIDING JUDGE SIBAK SANA KUNDI NAGRETIRO

NAISALBA ng pagreretiro ng isang presiding judge ang sanay pagkakatanggal nito sa trabaho matapos mapatunayang guilty sa kasong Gross Inefficiency and Gross Ignorance of the law dahil sa pagkabigo niya na desisyunan ang ilang kaso na nasa kanyang sala.

 

Sa kabila na retirado na, nagpalabas pa rin ang Supreme Court ng per curiam resolution na may petsang Setyembre 1 pero ngayon lang inilabas sa publiko.

 

Nabatid na forfeited din sana ang retirement benefits ni Judge Mario Trinidad,dating Presiding judge ng Guihulngan City RTC, Branch 64 at habang buhay na siyang diskuwalipika sa anumang publikong opisina pero una siyang nakapagretiro.noong Enero19.

 

Kaugnay nito,pinaalalahanan naman ng SC, ang lahat ng Hukom na mayroon ini adopt na rules, circulars at guidelines para sa kanila na dapat nilang sundin para mapabilis ang resolusyon ng mga kaso na kanilang hawak at kahit na sila ay nagretiro na hindi nila mapipigil ang SC na patawan sila ng parusa kapag napatunayan na lumabag sila sa polisiya .

 

Ang kaso laban kay Trinidad ay nag-ugat sa isinagawang spot audit ng Office of the Court Administrator (OCA) noong Agosto,2019 sa Guihulngan City RTC, Branch 64, na hinahawakan nito na dalawa sa dinesisyunan na civil case ay overdie at ang 46 sa 49 kaso na submitted para resolusyon ay nanatiling nakabinbin at hindi nareresolba sa itinakdang reglementary period at nabigo ang Hukom na makapagbigay ng kapani paniwalang dahilan kung bakit nabinbin ang kanyang resolusyon.

 

Ayon sa SC ,alunsunod sa Konstitusyon kinakailangan na ang Mababang Hukuman ay resolbahin ang kaso sa loob ng tatlong buwan mula sa petsa na isinumite.

 

Ang pagkaantala umano nito ay nangangahulugan ng pagkasira ng pagtitiwala ng publiko sa judicial system ng bansa. (GENE ADSUARA)

Other News
  • RIDER ARESTADO SA SHABU SA VALENZUELA

    BAGSAK sa kulungan ang isang rider matapos makuhanan ng shabu makaraang masita ng mga pulis sa quarantine control point dahil walang suot na helmet habang nagmamaneho ng motorsiklo sa Valenzuela city, kamakalawa ng gabi.     Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 11 under Article II of RA 9165 at Art. 151 of RPC ang […]

  • MICHAEL B. JORDAN STARS & MAKES HIS DIRECTORIAL DEBUT IN “CREED III”

    IN Warner Bros. Pictures’ action-packed boxing movie “Creed III,” Adonis Creed is brought to life for the third time by star Michael B. Jordan, who stepped behind the camera to direct and produce the film.     Watch the film’s “A Look Inside” featurette at https://youtu.be/TocnJkJtTwU      Watch the film’s “Extended Big Game Spot” at https://youtu.be/7hTPZtcQLnY  […]

  • Lalaki timbog sa shabu at panghoholdap sa nene

    ARESTADO ang isang lalaki matapos makuhanan ng shabu at panghoholdap sa isang batang babae sa Valenzuela city, kamakalawa.   Nahaharap sa patung-patong na kaso ang naarestong suspek na nakilalang si Enrique Beranio Jr, 29, ng Bagbaguin, Caloocan city.   Sa nakarating na ulat sa bagong hepe ng Valenzuela City Police na si P/Col. Fernando Ortega, […]