• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marawi bombing inako ng ISIS

INAKO ng terror group na Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang pagsabog kamaka­lawa ng umaga sa Min­danao State University (MSU) na ikinasawi ng apat katao at ikinasugat ng nasa 50 iba pa habang isinasagawa ang misa.

 

 

Sa isang communique, sinabi ng ISIS na miyembro nila ang nag-detonate ng bomba. Ito rin ang unang sinabi ni Defense Secretary Gilbert Teodoro na “foreign elements” ang nasa likod ng pagpapasabog.

 

 

Tinitingnan din ang partisipasyon ng teroristang Dawlah Islamiyah Maute group. May 41 ang remnants ng Maute Group sa Marawi mula sa da­ting 100.

 

 

Paghihiganti ang nakikitang motibo ng militar dahil sunud-sunod ang kanilang operasyon laban sa mga terrorist groups na ikinamatay ng 11 miyembro nito kamakailan.

 

 

Ayon naman kay PNP-Bangsamoro Auto­nomous Region Director PBGen. Allan Nobleza, may dalawa silang persons of interest sa pagpapasabog at isa dito ay local terrorist. Tinitignan na ng Special Investigation Task Group (SITG) ang lahat ng posibleng motibo at anggulo para malutas ang kaso sa lalong madaling panahon.

 

 

“Mayroon kaming persons of interest but the investigation is still ongoing. In order not to preempt the investigation we will not divulge the names,” ani Nobleza.

 

 

Sa panig naman ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr., pag-uusapan at ia-assess pa nila kung kailangan pang magdagdag ng tropa sa Marawi maging sa Lanao del Sur gayundin ang suspensiyon ng permit to carry firearms outside the residence sa nasabing lalawigan bilang bahagi ng precautionary measure upang mapangalagaan ang mamamayan at estado mula sa lahat ng lokal at dayuhang banta.

 

 

Tiniyak din ng AFP at PNP ang seguridad ng mga mag-aaral sa MSU at mga residente ng Marawi City sa kabila ng naganap na pambo­bomba.

 

 

Ayon naman kay Ist Infantry Division Commander, Major General Gabriel Viray III sa apat na fatalities, tatlo dito mga babae at isang lalaki.

 

 

Kasalukuyang gina­gamot sa Amai Pakpak Medical Center ang nasa 42 na sugatan at habang walo ang nasa Infirmary ng Mindanao State University.

 

 

Inihayag ni Viray na ang nasabing insidente ay malinaw na isang aksiyon ng terorismo.

 

 

Matatandaan na noong 2017 ay kinubkob ng ISIS-affiliated militants ang Marawi sa loob ng limang buwan. (Daris Jose)

Other News
  • DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.     Sa isang simpleng programa, sinabi […]

  • National Press Freedom Day bill pasado na sa Senado

    INAPRUBAHAN ng senado sa huling pagbasa ang panukalang batas na nagdedeklara sa Agosto 30 kada taon bilang National Press Freedom Day.   Ipinasa ng mga senador ang Senate Bill 670 bilang pagkilala kay Marcelo H. Del Pilar na ikinokonsidera bilang father of Philippine Journalism.   Nakakuha ito ng kabuuang 19 at walang kumuntra ganun din […]

  • PH-US bilateral defense guidelines tugon sa mga hamon na ating kinakaharap – PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ang bagong bilateral defense guidelines na pinagtibay ng Manila at Washington ay siyang tugon sa security challenges na kinakaharap ng dalawang magka-alyadong bansa.     Binigyang-diin ng Pangulo na layon ng nasabing guidelines ay ang pagtatanggol laban sa mga banta sa cyberspace, naglalayong “gabayan ang mga priyoridad na […]