• October 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SBP doble kayod sa paghikayat sa FIBA para maglaro sa Gilas si Clarkson

Patuloy ang ginagawang pakikipag-usap ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) sa mga opisyal ng FIBA para makuhang makapaglaro sa Gilas Pilipinas si NBA Filipino-American player Jordan Clarkson.

 

Sinabi ni SBP President Al Panlilo, nais nilang ipabasura sa FIBA ang pag-require sa mga atleta na dapat mag-secure sila ng passport sa edad 16 bago maging eligible na maglaro sa isang national team.

 

Dagdag pa nito na hindi sila titigil hanggang mapapayag nila ang FIBA at tuluyang makumbinsi na maglaro si Clarkson sa Gilas.

 

Sakaling maibasura ng FIBA ang nasabing panuntunan ay maraming mga Filipino-foreigner ang makakasali sa Gilas pool gaya nina Mo Tautuaa, Stanley Pringle at Christian Standhardinger.

 

Nauna rito pinayagan ng FIBA si American-Indonesian player Brandon Jawato na makapaglaro sa Indonesian national team.

Other News
  • Bulacan, tumanggap ng 3 milyon na mga face mask at libu-libong mga goods

    LUNGSOD NG MALOLOS – Tatlong milyong piraso ng mga face mask ang ipamamahagi sa mga Bulakenyo mula sa Tanggapan ng Pangulo sa pamamagitan ng programang “Mask Para Sa Masa” sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa isinagawang ceremonial turn over kamakailan sa Bulacan Capitol Gymnasium dito.     Ang Masks Para sa Masa ay programa ng pamahalaang nasyunal na naglalayong magbigay […]

  • Grade 12 student tumalon sa Malabon City Hall, dedbol

    KAAWA-AWA ang sinapit ng isang binatilyong senior high school student matapos tumalon sa pinakatuktok ng gusali ng Malabon City Hall kahapon (Biyernes) ng hapon sa Malabon City.   Basag ang bungo at halos magkadurog-durog ang buto sa katawan ng biktimang si Jefferson Dela Torre, nasa pagitan ng 16 hanggang 17-taong gulang, at Grade 12 ng […]

  • Nananatiling nirerebisa pa: Magna Carta of Seafarers, hindi nilagdaan ni PBBM

    NAUDLOT ang paglagda sana sa panulakang Magna Carta of Filipino Seafarers, araw ng Lunes dahil sinabi ng Malakanyang na kailangan pa itong rebisahing mabuti.     Hangad ng Magna Carta of Filipino Seafarers na ayusin ang karapatan at responsibilidad ng mga seafarers o madaragat at magtatag ng mekanismo para sa proteksyon ng karapatan ng mga […]