• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial, 3 pang Olympic-bound magsasanay sa Amerika

Hindi lamang si middleweight Eumir Felix Marcial ang ipapadala ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) sa isang training camp sa Colorado Springs, USA.

 

 

Magsasanay din sa na­sabing kampo ng US boxing team sina Olympic-bound flyweight Irish Magno, fea­therweight Nesthy Petecio at light flyweight Carlo Paalam, ayon kay ABAP president Ricky Vargas.

 

 

Ang nasabing hakbang ng boxing association ay para mabigyan ng magandang ensayo at paghahanda sina Marcial, Magno, Petecio at Paalam sa kanilang pagsabak sa 2021 Olympics sa Tokyo, Japan.

 

 

Nakatakda ang quadrennial event sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

 

 

Nagmula ang tubong Zamboanga City na si Marcial sa Dubai, United Arab Emirates kung saan siya nakuntento sa bronze medal matapos makalasap ng 0-5 kabiguan kay Jafarov Saidjamshid ng Uzbekistan sa kanilang semifinals match.

 

 

Nakakuha rin ng tansong medalya sina Pinay light flyweight Josie Gabuco, light flyweight Mark Lester Durens at bantamweight Junmilardo Ogayre sa nasabing torneo.

 

 

Bukod kina Marcial, Magno, Petecio at Paalam ang iba pang sasabak sa 2021 Tokyo Olympics ay sina 2016 Rio de Janeiro Olympic silver medalist at weightlifter Hidilyn Diaz, pole vaulter Ernest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo, taekwondo jin Kurt Barbosa at rower Cris Nievarez.

Other News
  • Online transactions ng PNP-FEO balik normal na

    BALIK na ang online transactions ng Philippine National Police-Civil Security Group’s online system.         Ito ay matapos na naayos na nila ang naganap na data breach noong Mayo 17.         Sinab ni CSG spokesperson Lt. Col. Eudisan Gultiano, na matitiyak na ngayon na ang Firearms and Explosives Office (FEO) […]

  • FIFA Futsal Women’s World Cup 2025, isasagawa sa PH

    KINUMPIRMA ni Fédération Internationale de Football Association (FIFA) President Gianni Infantino na gaganapin sa Pilipinas ang nakatakdang pagbubukas ng inaabangang inaugural FIFA Futsal Women’s World Cup 2025 sa darating na Nobyembre.     Ayon kay Infantino, nakatakdang gawin ang opening matches sa Nobyembre 21 kung saan ang mga lalahok na koponan ay maglalaban-laban para mapabilang […]

  • Karagdagang buses, e-jeepneys papayagang pumasada

    Maaaring maglagay ng karagdagang buses at e-jeepneys sa mga routes na   Itinalaga ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) simula sa June 22 habang ang traditional jeepneys naman ay papayagan lamang kung kulangang modern PUJs.   “The second phase (of operation) of modern PUVs has been approved, and if they are not enough, […]