• June 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial, ‘all set’ na sa kanyang pro debut sa US

All set na si Eumir Felix Marcial para sa kanyang inaabangang professional debut sa Huwebes (oras sa Pilipinas) sa Microsoft Theater sa Los Angeles, USA.

 

Sa ginanap na official weigh-in kanina, tumimbang ng 162.4 pounds si Marcial, habang ang kanyang kalabang si Andrew Whitfield ay may timbang na 165.8 pounds.

 

Umaasa naman ang 27-anyos na si Marcial na magbubunga ang kanyang pagsasanay sa pagharap nito sa katunggaling Amerikano sa isang four-round middleweight bout sa event ng Premier Boxing Champions.

 

Pumasok si Marcial sa Mariott Hotel bubble nitong Lunes.

 

Dalawang buwan na ang nakalilipas nang simulan ni Marcial ang pagsasanay sa ilalim ni Hall of Fame trainer Freddie Roach sa Wild Card Gym sa LA.

 

Pinasok ng Zamboanga City native ang pro boxing nang lumagdag ito ng anim na taong kontrata sa MP (Manny Pacquiao) Promotions noong Hulyo.

 

Ginagamit din ni Marcial ang kanyang training camp sa US bilang paghahanda para sa pagsabak nito sa Tokyo Olympics sa susunod na taon.

Other News
  • DOH, itinuturing na isang magandang development sakaling makamit ng mas maaga ang target na 70M fullly vaccinated individuals

    KUMBINSIDO ang Department of Health (DOH) na makakamit ng bansa ang 70 million fully vaccinated individuals bago pa matapos ang unang quarter ng taon.     Sa Laging Handa briefing, sinabi ni DOH Usec. Myrna Cabotaje na “as of January 29, 2022,” pumalo na sa 60 million ang nabigyan ng first dose at 58.6 million […]

  • 2 patay, 4 sugatan sa pamamaril sa Ateneo de Manila

    KINUMPIRMA  ni Quezon City Police District Director Police Brigadier General Remus Medina na dalawang katao ang namatay at isa naman ang sugatan sa nangyaring pamamaril sa Ateneo de Manila Gate 3.     Ayon kay Medina, isa raw sa mga biktima ay agad isinugod sa ospital.     Sa ngayon, hawak na raw ng PNP […]

  • Kapuso actress, hindi napigilang umiyak: ZOREN, ikinuwento kung bakit minadali ang kasal nila ni CARMINA

    SA vlog ni Carmina Villarroel ay kinuwento ng mister niyang si Zoren Legaspi ang dahilan kung bakit minadali nito ang preparasyon sa kanilang wedding noong 2012.   Kuwento ni Zoren, may kinalaman ang lahat sa ama ni Carmina na maysakit noong mga panahon na iyon. Gusto na nilang makasal bago maoperahan ang ama para makita […]