Marcial ibabalik ang mga laro sa iba’t ibang lalawigan
- Published on January 8, 2021
- by @peoplesbalita
SINIGURADO ni Philippine Basketball Association (PBA) commissioner Wilfrido Marcial na muling darayo ang mga laro ng propesyonal na liga sa iba’t ibang probinsya kung magkakabakuna na sa Covid-19 sa taong ito.
“Kapag may vaccine, kahit saan darayuhin ng PBA On Tour,” pahayag ng 59-anyos na komisyoner kamakalawa. “Sana hindi na bubble. Kung may vaccine, ikot na ulit tayo kahit saan sa Pilipinas. Puwede na uli tayo magprobinsya.”
Nakagawian na ng liga ang pagbisi-bisita sa mga lalawigan sa matagal na panahon upang makapaghatid ng saya sa mga nakatira sa malalayong lugar at makita ng personal ang mga paborito nilang koponan at basketbolista.
Kawawakas lang ng 45th PBA 2020 Philippine Cup bubble na binuksan nitong Marso bago natigil din sa nasabing buwan sanhi ng pandemya. Tagumpay ang bubble concept ng all-Pinoy conference nitong Oktubre 11 at natapos ng Disyembre 9 kung saan naghari ang Barangay Ginebra San Miguel via 4-1 win kontra TNT.
Balak magbukas ng liga ng ika-46 na edisyon sa darating na Abril 9 makaraan ang unang aktibidad na ika-36 na taunang Rookie Draft sa Marso 9. (REC)
-
Pamahalaan walang balak gawing pribado ang NAIA
Walang balak muna ang Marcos administrasyon na ibenta o maging pribado ang pamamahala sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahit na may ginagawa at tinatayong tatlong paliparan na malapit sa Metro Manila. “The government will maintain NAIA as the country’s primary gateway as it intends to use airports around Metro Manila as […]
-
Psalm 33:5
The earth is full of God’s unfailing love.
-
Ilang opisyal ng DFA, positibo sa COVID-19
Sarado muna ang punong tanggapan ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang sa Martes, Pebrero 2, 2021, para sa pag-disinfect. Ito ang naging anunsyo ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., matapos na magpositibo sa COVID-19 ang ilan sa kanilang mga opisyal. Agad namang nilinaw ni Locsin na negatibo na siya […]