Marcial may binago sa health protocol
- Published on August 24, 2020
- by @peoplesbalita
MAY ilang punto sa health protocol guidelines ang binago nitong Linggo ni Philippine Basketball Association (PBA) Commissioner Wilfrido ‘Willie’ Marcial.
Bago magwakas ang Agosto ang tinatayang pagbabalik na sa practice facilities ng players, sa non-contact conditioning muna ng ilang araw.
Pagkaraan, muling susulat ang propesyonal na liga sa Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Disease para hilingin na payagan na ang full scrimmages ng 12 PBA tems sa susunod sa Setyembre.
Pero mauuna muna rito ang swab testing sa bawat manlalaro ng mga koponan.
Mula sa tuwing 10 araw na tests, tulad ng unang ipinanukala ni Marcial, magiging kada dalawang linggo na ito
Maging ang showers inayos din.
Papahintulutan na ang players na mag-shower pagkatapos ng bawat practice session at laro bago umuwi sa kanilang mga tahanan.
Ang dating mungkahi ay lalabas pa dapat ng facility ang players pagkatapos ng session nila, diretso uwi na habang dini-disinfect ang gym bago papasukin ang susunod na batch na gagamit ng pasilidad. (REC)
-
SBP naghihintay ng positibong tugon ni Kai Sotto para makapaglaro sa FIBA World Cup
HINDI nawawalan ng pag-asa ang Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na mapapapayag nila si Kai Sotto na maglaro sa kasama ang Gilas Pilipinas sa FIBA Basketball World Cup 2023. Ayon kay SBP executive director at spokesperson Sonny Barrios na nakipag-ugnayan na sila sa kampo ni Sotto. Hinihintay na lamang nila ang […]
-
BIYAHENG PANDAGAT SA LEGAZPI, SINUSPINDE
SINUSPINDE pansamantala ang lahat ng mga biyahe ng sasakyang pandagat na may rutang Baseport Legazpi patungong Rapu-Rapu, Albay. Ayon sa pamunuan ng Philippine Ports Authority (PPA), simula alas -5 ng umaga ngayong araw, ika-16 ng Pebrero 2023 ay Hindi muna pinayagang maglayag ang mg sasakyang pandagat. Ang pagsuspinde ay bunsod ng […]
-
Mayor, konsehal na akusado sa rape, dinampot ng NPD
BINITBIT ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang alkalde, konsehal, at kawani ng isang bayan sa Bulacan na pawang akusado sa panggagahasa mahigit limang taon na ang nakakalipas sa Caloocan City. Sa ulat ni NPD Acting Director P/Col. Josefino Ligan kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/BGen. Anthony […]