Marcial solong sasabak sa Asian Championships
- Published on May 11, 2021
- by @peoplesbalita
Tanging si Eumir Marcial lang ang Olympian na masisilayan sa Asian Elite Boxing Championships na idaraos sa Mayo 21 hanggang Hunyo 1 sa Dubai, United Arab Emirates.
Ito ang inihayag ni Marcial kung saan hindi magpapartisipa ang mga kapwa Tokyo Olympics qualifiers na sina Nesthy Petecio, Irish Magno at Carlo Paalam. “Ako lang po ang Olympian na sasama (sa Asian Championships),” ani Marcial.
Kasalukuyang nagsasanay sa Thailand sina Petecio, Magno at Paalam.
Nagdesisyon ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) na huwag nang ipadala sina Petecio, Magno at Paalam sa Dubai dahil sa quarantine protocols.
Plano sana ng ABAP na palaruin ang tatlo sa Dubai ngunit babalik din sila sa Thailand para doon ipagpatuloy ang kanilang training camp.
“The reason is that they plan to go back to Thailand after Dubai for more training. if they do, they will have to quarantine again and that will set them back,” ani ABAP secretary general Ed Picson.
Makakasama ni Marcial sa Asian Cham-pionships si Jun Milardo Ogayre na miyembro ng national pool at kasalukuyang nagsasanay sa Baguio City.
Nasa Zamboanga City si Marcial kung saan sumasailalim ito sa puspusang pagsasanay kasama sina ABAP coach Gerson Nietes, coach Joven Jimenez, IBF champion Jerwin Ancajas at Jonas Sultan.
Orihinal sanang idaraos ang Asian Championships sa India subalit inilipat ito sa Dubai matapos tumaas ang bilang ng tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa India.
-
Kaligtasan ng pasahero, rider ¬titiyakin sa motorcycle taxis law
SISIGURUHIN umano na ligtas ang mga rider at mga pasahero bukod sa mananatiling mababa ang bilang ng mga naaksidente kapag nagkaroon ng batas na gagawing legal at magkokontrol sa motorcycle taxis sa bansa. Sa naunang pagdinig ng Senate Committees on Public Services and Local, tumutok ang diskusyon sa training, skills at kaalaman ng […]
-
DOH NAGBABALA SA W.I.L.D. OUTBREAK
BINALAAN ng Department of Health (DOH) ang publiko laban sa posibleng outbreak ng waterborne at foodborne illnesses, influenza-like illnesses, leptospirosis at dengue (W.I.L.D.) diseases kasunod ng pananalasa ng nagdaang mga bagyo na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ilang lugar sa bansa. Iginiit din ng DOH ang panawagan nito sa pag-iingat laban sa pagkalat ng […]
-
PBBM, ipinag-uutos ang pamamahagi ng tulong sa mga sari-sari stores na apektado ng rice price cap
IPINAG-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) na mamahagi ng cash assistance para sa mga sari-sari store owners na apektado ng price ceiling sa bigas. Ayon sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, sinabi ng DSWD na mamamahagi ito ng cash assistance mula Setyembre 25 hanggang 29. […]