Marcial tuloy na ang ensayo sa Amerika
- Published on October 22, 2020
- by @peoplesbalita
NASA Estados Unidos ng Amerika na si new- turned professional at 32 Summer Olympic Games 2021 Tokyo, Japan-bound boxer Eumir Felix Marcial upang doon na ituloy ang training sa ilalim ni Frederick Steven (Freddie) Roach.
Ipinahayag ng 24-year-old at Zamboanga City native bago umalis ng bansa ilang araw pa lang ang nakararaan, na paghandaan niyang mabuti ang quadrennial sportsfest at ang debut bilang professional boxer sa papasok na buwan o sa Disyembre.
Malaki rin ang pasasalamat ni Marcial sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman William ‘Butch’ Ramirez sa pagtulong na makapunta siya sa USa para doon paghandaan ang Olympics at pro career fights.
Makakasama ni American Hall of Fame trainer Roach sa paghubog sa Pinoy boxer sina assistant coach Marvin Somodio at strength and conditioning coach Justin Fortune.
“He will start preparing for many, many things,” ani MP Promotions president Sean Gibbons Sean Gibbons. “Preparing for his 2021 Olympics, preparing for a possible debut later this year.” (REC)
-
PANUKALA ng NEDA na gawing polisiya ang 4 day work week
MALAKI ang posibilidad na malaman sa darating na Lunes, Marso 21 ang magiging pasiya ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ukol sa naging panukala ng National Economic and Development Authority (NEDA) na 4 day work week at work from home set up. Sinabi ni acting Presidential spokesperson at PCOO secretary Martin Andanar na naipaliwanag […]
-
Mga opisyal ng NFA na nasa ilalim ng imbestigasyon, hinikayat na boluntaryong mag-leave of absence
HINIKAYAT ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga opisyal ng National Food Authority (NFA) na iniimbestigahan sa di umano’y hindi tamang pagbebenta ng NFA buffer stock rice sa subsidized price na boluntaryong mag- leave of absence (LOA). Sinabi ni Laurel sa mga kinauukulang opisyal na pahintulutan ang investigating panel ng Department […]
-
DOLE, mag-aalok ng 10-day cash-for work para sa mga indibidwal apektado ng pag-alboroto ng Bulkang Taal
MAG-AALOK ang Department of Labor and Employment (DOLE) ng sampung araw na trabaho bilang tulong para sa libu-lubng indibidwal na apektado matapos ang pag-alburuto ng bulkan. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, kikita ng P4,000 ang kada manggagawa para sa 10 araw na trabaho dahil ang minimum na sahod sa region 4 […]