• October 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial tuloy na ang ensayo sa Amerika

NASA Estados Unidos ng Amerika na si new- turned professional at 32 Summer Olympic Games 2021 Tokyo, Japan-bound boxer Eumir Felix Marcial upang doon na ituloy ang training sa ilalim ni Frederick Steven (Freddie) Roach.

 

Ipinahayag ng 24-year-old at Zamboanga City native bago umalis ng bansa ilang araw pa lang ang nakararaan, na paghandaan niyang mabuti ang quadrennial sportsfest at ang debut bilang professional boxer sa papasok na buwan o sa Disyembre.

 

Malaki rin ang pasasalamat ni Marcial sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman William ‘Butch’ Ramirez sa pagtulong na makapunta siya sa USa para doon paghandaan ang Olympics at pro career fights.

 

Makakasama ni American Hall of Fame trainer Roach sa paghubog sa Pinoy boxer sina assistant coach Marvin Somodio at strength and conditioning coach Justin Fortune.

 

“He will start preparing for many, many things,” ani MP Promotions president Sean Gibbons Sean Gibbons. “Preparing for his 2021 Olympics, preparing for a possible debut later this year.” (REC)

Other News
  • 2 INDIANS AT ISANG TAIWANESE NASABAT NG BI

    NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese na wanted sa kanilang lugar dahil sa droga at dalawang Indian national dahil sa paggamit ng pekeng immigration stamps.     Kinilala ni  BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr. ang naarestong Taiwanese na si Lai Po Ving, 33 habang ang dalawang Indians […]

  • Pres. Duterte posibleng samahan ang mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics – PSC

    Malaki ang posibilidad na dadalo si Pangulong Rodrigo Duterte para saksihan ang pagsabak ng mga atletang Filipino sa Tokyo Olympics mula Hulyo 23 hanggang Agosto 8.     Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) chairman William Ramirez, isa ang pangulo sa tatlong opisyal ng gobyerno na nakatakdang sumama sa 19 atletang maglalaro sa Olympics.   […]

  • Tauhan ng Sayaff, tiklo sa Kyusi

    ARESTADO ang isang sinasabing miyembro ng Abu Sayyaf Group sa isinagawang pagsalakay ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District at Criminal Investigation and Detection Group sa lungsod, kahapon (Miyerkoles) ng umaga.   Kinilala ang suspek na si Adzman Tanjal, 32, may asawa, tubong Sabah, Malaysia at nakatira sa Libyan St., Salaam Compound, Barangay […]