Marcos admin naglaan ng 5-6% na gross domestic product para sa infrastructure development
- Published on December 28, 2022
- by @peoplesbalita
NAGLAAN ng malaking bahagi ang administrasyong Marcos kaugnay sa ekonomiya ng bansa para sa pagpapaunlad ng imprastraktura gayundin ang pagtaas ng badyet para sa agrikultura at pangangalaga sa kalusugan.
Sa pahayag na inilabas ng Office of the Press Secretary (OPS), binanggit ang nagawa ng Department of Budget and Management (DBM).
Ang departamento ay naglaan ng 5% hanggang 6% ng taunang gross domestic product (GDP) sa ilalim ng mga programang “Build Better More”.
Gayundin, upang mabawasan ang epekto ng pagbabago ng klima, sinuportahan ng Budget department ang National Greening Program ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Renewable Energy Development Program ng Department of Energy (DOE).
Ayon sa DBM, naglaan din ito ng malaking halaga sa 2023 national budget para sa mga climate-related expenditures.
Nakalista din sa mga nagawa ng DBM ngayong taon ang agresibong digitalization nito alinsunod sa agenda ni Pangulong Marcos.
Sa ilalim ng digitalization thrust nito, pinalawak ng DBM ang Action Document Releasing System (ADRS) at isinagawa ang Unified Reporting System (URS) Encoding sa mga regional office nito
Ang Budget department ay na-digitalize din ang Public Financial Management Program at ang Learning Management System (LMS).
-
China kinampihan ang Russia sa panawagan na ‘wag na dapat sumali ang Ukraine sa NATO
NAKAKUHA ng kakampi ang Russia sa paghihikayat nilang dapat ay huwag ng sumali pa ang Ukraine sa US-led NATO military alliance. Sa pakikipagpulong ni Russian President Vladimir Putin kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing ay naniniwala na ginagawang pangingialam ng US ay siyang nakakasira ng seguridad sa mga bansa. Kapwa […]
-
Kaya naghahanda sa kanyang future plans: RAYVER, nakikitang si JULIE ANNE na ang makakasama habang-buhay
MARAMI nga ang kinilig sa Fast Talk with Boy Abunda noong Huwebes, March 16 dahil sa JulieVer. Guests nga ni King of Talk Boy Abunda sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz. Isang two-in-one Fast Talk ang nangyari na kung saan salitan silang sumagot sa mga tanong tungkol sa isa’t-isa. Isa sa […]
-
Tuloy ang pagiging brand ambassador ng ’Sante’: Kuya KIM, walang alam kung ang show nila ang papalit sa ’It’s Showtime’
IPINAGMAMALAKI ng Santé, isang leading provider ng premier health at wellness products sa Pilipinas, na i-announce ang renewal ng partnership nito sa kanilang brand ambassador na si Kim Atienza. Kilala bilang si “Kuya Kim,” at humigit isang dekada na siyang mahalagang bahagi ng pamilya ng Santé sapagkat kinakatawan niya ang misyon ng […]