Marcos, Duterte nakakuha ng majority approval, trust ratings sa pinakabagong Pulse Asia survey
- Published on April 13, 2023
- by @peoplesbalita
KAPWA nakakuha sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte ng majority approval at trust ratings para sa buwan ng Marso, base sa makikitang resulta ng Pulse Asia survey.
Makikita sa resulta ng survey na si Pangulong Marcos ay nakakuha ng approval rating na 78% habang si Duterte naman ay mayroong 83%.
“Majority approval scores are enjoyed by the President and the Vice-President in all geographic areas and socio-economic groupings,” ayon sa Pulse Asia.
Ang rating ng mga ito ay “virtually unchanged” sa pagitan ng Nobyembre 2022 at Marso 2023.
Sina Pangulong Marcos at Duterte ay kapuwa “trusted by most of the country’s adult population,” ang wika ng Pulse Asia.
Nakakuha naman si Pangulong Marcos ng trust rating na 80% habang si Duterte naman ay nakakuha ng 85%.
Samantala, tabla naman sina Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Martin Romualdez sa kanilang nakuhang approval ratings dahil kapuwa nakakuha ang mga ito ng 51%.
Bahagya namang nagkaiba ang mga ito sa kanilang trust ratings dahil si Zubiri ay nakakuha ng 48% habang si Romualdez naman ay nakakuha ng 44%.
Sa kabilang dako, kabilang naman sa top national officials ng bansa gaya ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo ang nakakuha ng mababang approval rating, 43% at trust ratings na 39%.
“The public assessment of the administration’s performance was “generally positive,” with very few changes recorded between the March survey and the previous poll it held last November,” ayon sa Pulse Asia.
Ang tatlo namang “most urgent issues” na kailangang tugunan ng pamahalaan ay ang pagkontrol sa inflation (60%), umento sa sahod para sa mga manggagawa (44%), at paglikha ng mas marami pang hanapbuhay (30%).
Makikita pa rin sa resulta ng survey na 52% ng mga Filipino ang disapproved o ayaw sa performance ng gobyerno pagdating sa inflation. Subalit mayorya naman ng respondents ang aprubado ang performance ng pamahalaan sa pagtugon sa ibang national issue gaya ng calamity response at pagbibigay proteksyon sa kapakanan ng mga migrant workers.
Samantala, ang Pulse Asia survey ay isinagawa sa pagitan ng Marso 15 at 19, gamit ang in-person interviews sa 1,200 adults na may edad na 18 pataas sa iba’t ibang lugar sa Kalakhang Maynila, Luzon, Visayas, Mindanao. Mayroon itong ± 2.8 percent error margin.
Ilan naman sa key developments na nangyari nang gawin ang survey ay ang pananambang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo, pag-apruba ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa batas na nananawagan para sa isang convention para amiyendahan ang 1987 Constitution, ang Mindoro oil spill, at ang pangalanan ang 4 na karagdagang military bases na maaaring gamitin ng Estados Unidos sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). (Daris Jose)
-
Puwede nang ma-experience ang napanood sa K-drama series: CHAVIT, maghahanap pa ng perfect Pinoy endorser para sa sikat na ‘bb.q Chicken’
PINANGUNAHAN ni former Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson kasama ang kanyang lovely daugther na si Vanessa Singson, ang pagbubukas ng second branch ng sikat na South Korean food chain restaurant na ‘bb.q Chicken’, na matatagpuan sa labas ng third level ng Robinsons Magnolia, na malapit din sa mga sinehan. Ang ‘bb.q’, na […]
-
Inflation, magsisimulang humupa sa Enero, balik sa target range sa Hulyo –BSP
INAASAHAN na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na magsisimulang bumagal at humupa ang inflation sa Enero ng susunod na taon at babalik ito sa normal na target range sa Hulyo. Sinabi ni BSP governor felipe medalla na ang inflation ay magsisimulang maging normal matapos na umabot ito sa pinakamataas ngayong buwan kasunod […]
-
Hindi pa rin interesado na tumakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022
“I am still not interested.” ito ang naging pahayag ni Senador Bong Go matapos tanggapin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pag-endorso sa kanya ng ruling party PDP-Laban na tumakbo bilang bise-presidente sa Eleksyon 2022. Sa isang video message, sinabi ni Go na nakatutok siya sa kanyang tungkulin bilang senador upang tulungan ang […]