Marcos Jr. hinikayat ang Korte Suprema na ibasura ang COC cancelation petition
- Published on June 3, 2022
- by @peoplesbalita
HINIKAYAT ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Korte Suprema na ibasura ang petisyon na nananawagan na kanselahain ang kanyang certificate of candidacy (COC) na inihain laban sa kanya ng civic leaders.
Ang Presidential Electoral Tribunal (PET) na ayon kay Marcos Jr. ang may hurisdiksyon na tingnan ang kanyang “eligibility.’
“[I]t is respectfully prayed of the Honorable Court to protect the free choice of the Sovereign Filipino People that their president is respondent Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. (BBM) and to dismiss the instant Petition for Certiorari dated May 16, 2022 for lack of jurisdiction and/or complete lack of merit,” ang pahayag ni Marcos Jr. sa Korte Suprema sa pamamagitan ng kanyang abogado na si Atty. Estelito Mendoza.
Matatandaang, buwan ng Mayo nang dalhin sa pinakamataas na korte ng Pilipinas ang laban kontra sa kandidatura ni Marcos Jr.
Ang petisyon sa Korte Suprema ay inihain ng kampo nina Fr. Christian Buenafe, et al. na una nang hiniling sa Commission on Elections kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni Bongbong. Sa kabila nito, ibinasura ito ng Comelec.
Ang naging kahilingan ng mga petitioners ay ibaliktad o isantabi ng Supreme Court ang naunang resolusyon ng Comelec; ikansela o ideklarang “voice ab initio” ang COC ni Bongbong, na hindi siya talaga naging kandidato sa 2022 national elections; at gawing permanento ang temporary restraining order laban sa Kongreso at pigilan silang i-canvass ang mga botong nakuha ni Bongbong.
Para naman sa kampo ni Marcos Jr., walang hurisdiksyon ang Korte Suprema para pigilan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso mula sa canvassing ng boto at proklamasyon ng mga nanalo sa katatapos lamang ng May 9 presidential election.
Sa isang manipestasyon na isinumite sa Korte Suprema ni Atty. Estelito Mendoza, mula sa kampo ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nakasaad dito na ang “duly elected president and vice president” ay kailangan na masimulan ang kanilang termino sa Hunyo 30, alas-12 ng tanghali at magtatapos ang kanilang termino sa kaparehong oras at petsa matapos ang anim na taon, gaya ng nakasaad sa ilalim ng 1987 Constitution.
Tinukoy ni Mendoza ang Seksyon 4, Article VII ng Saligang Batas, kung saan binigyan ng mandato ang mga mambabatas na mag-canvass ng mga boto.
Nakasaad pa rin sa kaparehong probisyon na ang isang indibidwal o kandidato na may mataas na bilang ng boto ay “shall be proclaimed elected.”
“All of the above provisions, in language and intent, are mandatory and the Supreme Court is without jurisdiction to prevent their implementation,” ani Mendoza.
Base sa partial at unofficial results, nanguna si Marcos na may 31.1 milyong boto na sinundan naman ni Vice President Leni Robredo na may 14.8 milyong boto. (Daris Jose)
-
KIM, pwede na talagang pumalit sa puwesto ni KRIS
“IBA ‘to, nakakatakot ‘to! Sure na, kahit ako nagda-dubbing kami ni direk, ‘sabi ko, direk, sakit na ng heart ko, labas muna tayo!,” pasabog na rebelasyon ni Kim Chui sa ginanap na virtual mediacon ng pelikulang U-Turn na idinirek ni Der- rick Cabrido kumpara sa Ghost Bride at The Healing. “Parang ako, hindi ko […]
-
Mga medical workers mula sa apat na pagamutan sa NCR na makakapitan ng COVID, hinahanapan ng hotel
KASALUKUYAN nang hinahanapan ng gobyerno ng magagamit na hotel na mapaglalagyan sa mga doktor at nurse na matatamaan ng COVID-19. Sinabi ni Chief Implementer Carlito Galvez, may nagaganap ng negosasyon para matuluyan ng mga medical workers ng PGH, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney Institute. Tinatayang nasa, […]
-
‘Best Night Ever’ ang naging experience niya… KIM, sobrang saya na nakapanood ng Blackpink sa Georgia, USA
NAPAKASAYA ni Kim Chiu na nakapanood ng concert ng Blackpink sa Georgia, USA. Bukod pa kasi sa experience na ‘yon, nakapag-travel si Kim mula sa Las Vegas (kunsaan ang ASAP in Vegas) sa Georgia na mag-isa at isang backpack lang ang dala. In bold letters na “Best Night Ever” raw para kay […]