• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos Jr. , ipagpapatuloy ang vlogging kahit pa Pangulo na ng bansa

SINABI ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na ipagpapatuloy niya ang kanyang pagba-vlog kahit pa magsimula na ang kanyang trabaho at tungkulin bilang bagong Pangulo ng bansa sa Hunyo 30.

 

 

Sa kanyang pinakabagong YouTube video, araw ng Sabado, sinabi ni Marcos na ipagpapatuloy niya ang paggamit sa nasabing platform upang manatiling updated ang publiko sa kanyang mga pinakabagong aktibidad diretso “from the horse’s mouth.”

 

 

Idinagdag pa niya na ipagpapatuloy niya ang vlogging upang sa gayon ay makakuha ang publiko ng alternatibong “source of information” sa kanyang incoming presidency maliban sa mainstream media.

 

 

“Ipagpapatuloy talaga namin ‘yang vlog na ito. Every so often, mayroon tayong paliwanag doon sa ating ginagawa para hindi lamang sa pahayagan ang inyong nagiging balita, kung hindi pati na from the horse’s mouth, ‘ika nga,” ayon kay Marcos.

 

 

“Kailangan ko talagang ipaliwanag kung ano ang aming mga ginagawa… ipaalam sa inyo kung ano ba sa inyong palagay ang tama na dapat gawin at kung ano pa… at marinig ang inyong comment kung ano pa ang mga kakulangan na dapat tugunan,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Ang pahayag na ito ni Marcos ay tugon sa naging tanong sa kanya kung ipagpapatuloy pa niya ang pagba-vlog gayong magiging abala na siya bilang bagong Pangulo ng bansa.

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni President-elect Marcos ang kanyang mga tagasuporta na patuloy na pagbibigay reaksyon at pagbabahagi ng kanyang content sa kanyang social media platforms.

 

 

“Iyong pag-share ninyo, pag-like, at iyong iba ine-edit pa sa TikTok, lahat po iyan ay malaking tulong,”ayon kay Marcos.

 

 

Sa kabilang dako, nauna namang sinabi ni incoming press secretary Trixie Cruz-Angeles na inaayos na nila ngayon ang pag-accredit sa mga vloggers para mag-cover sa Malakanyang sa ilalim ng administrasyong Marcos.

 

 

“We are pushing for the accreditation of bloggers to be invited to some of the briefings especially those conducted by the President,” ayon kay Angeles, isang pro-administration vlogger. (Daris Jose)

Other News
  • Gobyerno, naglaan ng P3B para sa rehabilitasyon, modernisasyon ng 8 airports sa bansa

    TINATAYANG 8 paliparan sa buong bansa ang makatatanggap ng pondo sa ilalim ng  2023 national budget para isailalim sa rehabilitasyon at pagsasaayos.     Sa kalatas na ipinalabas ng Department of Budget and Management (DBM), sinabi nito na ang  paglalaan ng pondo ay nakaayon sa implementasyon ng  8 airport projects na nakapaloob sa ilalim ng  […]

  • ‘Team Pilipinas sa Tokyo Olympics, emosyunal pa rin sa panalo ni Hidilyn ng gold medal’

    Inamin  ng chef de mission ng Team Pilipinas sa Tokyo Olympics na si Mariano “Nonong” Araneta na maging sila ay emosyunal sa matinding panalo noong Lunes  ni Hidilyn Diaz sa weightlifting.     Naikwento ni Araneta na hindi lamang sila nagdarasal kundi maging ang mga kamag-anak nila sa Pilipinas ay tinatawagan din para samahan sila […]

  • Valenzuela ipinagdiwang ang ika-65th Anibersaryo ni Barbie at Jeepney Caravan

    Si Barbie ay nasa Valenzuela City! Para magbigay ng saya at inspirasyon sa mga bata, nakipagtulungan ang Lungsod ng Valenzuela sa Barbie Philippines upang ipagdiwang ang ika-65 Anibersaryo ni Barbie na may temang “Barbie Inspires”.     Kasabay nito ay ang anibersaryo ng jeepney caravan na nag-ikot naman sa mga lungsod sa Metro Manila saka […]