• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos Jr., Sara angat sa year-end survey

NAKATANGGAP  ng mataas na “approval” at “trust” ratings sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte sa nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD).

 

 

Base sa “Boses ng Bayan” survey ng RPMD, na ginawa noong Nobyembre 27 hanggang Disyembre 2, 83% ng respondents ay nasiyahan sa pagganap ng trabaho ni Pangulong Marcos at 81% kay VP Sara, na nagsisilbi rin bilang Education Secretary. Binigyan din ng mataas na trust rating ang dalawa na kapwa binigyan ng 87% sina Marcos at Duterte.

 

 

Ang pagganap at kredibilidad ng parehong mga opisyal ay binigyan ng mataas na rating sa lahat ng rehiyon at socioeconomic classes. Ang satisfaction rating ni Marcos ay pinakamataas sa Minda­nao, 87% at pinakamababa sa Metro Manila, 73%. Habang ang satisfaction rating ni Duterte ay pinakamataas sa Mindanao, 98% at pinakamababa sa Luzon, 70%.

 

 

Sa mga Cabinet secretaries, sinabi ni Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD, nangunguna si DILG Secretary Benhur Abalos Jr. na nakakuha ng 78% at 83% trust rating. Sinundan ni DICT Sec. Ivan John Uy, 74% approval at 89% trust rating; Budget Sec. Amenah Pangandaman, 73% approval at 67% trust, DMW Secretary Susan Ople, 71% approval at 68% trust, DOT Sec. Christina Garcia-Frasco, 70% approval at 65% trust ratings.

 

 

Pang-anim si DFA Sec. Enrique Manalo, 67% approval at 63% trust; DSWD Sec. Erwin Tulfo, 65% approval at 70% trust; DOTr Sec. Jaime Bautista, 63% approval at 60% trust; DTI Sec. Alfredo Pascual, 61% approval at 58% trust; at Solicitor General Menardo Guevarra, na may 58% approval at 65% trust ratings. (Daris Jose)

Other News
  • P82.5 bilyong pondo sa bakuna kinapos

    Hindi sapat ang P82.5 bilyon na inilaan ng gobyerno para sa pagbili ng bakuna ngayong taon laban sa COVID-19, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).     Sinabi ni Budget Secretary Wendel Avisado na sa P82.5 bilyon, P70 bilyon ang ginamit para sa pagbili ng bakuna at P12.5 bilyon ang inilaan sa “ancillary […]

  • Ads November 23, 2021

  • $2-M ADB grant para suportahan ang ‘Odette’ relief ng Pilipinas

    INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang $2-million grant para suportahan ang emergency response ng gobyerno ng Pilipinas sa mga nasalanta at nawasak na lugar sa central at southern provinces dulot ng bagyong Odette.     Ang bagyong Odette ang itinturing na “strongest typhoon” na tumama sa bansa noong nakaraang taon.     Ang grant […]