• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos Jr. suportado ang modernisasyon ng PCG

TINIYAK  ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na suportado ng kanyang administrasyon ang modernisasyon ng Philippine Coast Guard (PCG).

 

 

“As your leader, I assure you that this Administration will always be behind you, supportive of your efforts and initiatives to modernize the Philippine Coast Guard, which will redound to the better deli­very of service to the nation,” ani Marcos sa kanyang talumpati sa 121st PCG Founding Anniversary na ginanap sa Port Area, Manila.

 

 

Nilibot din ng Pangulo ang BRP Gabriela Silang (OPV-3801), ang ikatlong pinakamalaking modernong sasakyang-dagat sa fleet ng Coast Guard.

 

 

Hinikayat din ni Marcos ang mga miyembro ng PCG na ipagpatuloy ang kanilang dedikasyon at pagpupursige sa kanilang tungkulin at responsibilidad at isulong ang pagsasakatuparan ng kanilang pananaw na maging isang world-class na tagapag-alaga ng dagat.

 

 

Ang PCG ang pinakamatanda at nag-iisang humanitarian armed service sa bansa mula nang mabuo ito noong 1901. Isa na itong attached agency ng Department of Transportation.

Other News
  • 24 senador pinalagan ‘People’s Initiative’ para sa Charter change

    NILAGDAAN ng lahat ng senador ng Republika ng Pilipinas ang isang joint statement laban sa signature drive ng ilan para maamyendahan ang 1987 Constitution, bagay na bubura raw sa boses ng mga mambabatas.     Ang pahayag ay binasa ni Senate President Juan Miguel Zubiri sa isang plenary session habang pinag-uusapan ang kontrobersyal na People’s […]

  • Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, nagpahiwatig ng posibilidad na pagreretiro pagkatapos ng 2024 Olympics

    NAGPAHIWATIG  ngayon ang kauna-unahang Pilipinong nakasungkit ng gold medal sa Olympics na si Hidilyn Diaz-Naranjo ng posible nitong pagreretiro na sa weightlifting pagkatapos ng 2024 Paris Olympics.     Sa kanyang Facebook post, ipinost ni Diaz ang larawan ng kanyang mga kamay kalakip ang isang sulat sa kanyang sport.     Aniya, naghahanda araw raw […]

  • PSC hahanap ng dagdag na pondo para sa paglahok ng Team Philippines sa Vietnam SEAG

    MAGHAHANAP ang Philippine Sports Commission (PSC) ng karagdagang pondo para sa national delegation na isasabak sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.     Sinabi kahapon ni PSC Commissioner at Team Phi­lippines Chef De Mission Ramon Fernandez sa ‘Power and Play’ program ni Noli Eala na hihingi sila ng tulong kay Philippine […]