Marcos Jr: Tiyaking may kasamang mga gamot ang relief package
- Published on November 3, 2022
- by @peoplesbalita
PINATITIYAK ni Pangulong Ferdinand R. Marcos nitong Martes ang pagbalangkas ng standard operating procedure (SOP) para sa pagsasama ng mga gamot sa mga relief package sa oras ng kalamidad at emergency.
Ayon sa Pangulo, ilang araw pagkatapos ng isang kalamidad, ang mga apektadong indibidwal ay naghahanap ng mga over-the-counter na gamot katulad ng paracetamol at anti-diarrhea.
“That’s one aspect of it na hindi masyadong naaatensyunan. Paano tayo makapag-provide ng gamot? Like (what) the Maguindanao Governor Bai Mariam is saying. Simple lang naman. Kasi nakabilad sila (apektadong residente)… basa sila nang matagal, nilalagnat ‘yung mga bata,” punto ni Marcos.
Binigyang-diin din ni Marcos ang kahalagahan ng pagbibigay ng mga maintenance na gamot sa panahon ng kalamidad.
“Pero ‘yung matatanda, ‘yung mga may maintenance, delikado talaga sila pagka mga one week na hindi sila naggagamot, it starts to really affect them,” ani Marcos.
Binanggit ng Pangulo na ang mga ganitong uri ng gamot ay dapat na inireseta o ibigay ng health department, mga doktor at mga parmasya.
“So let’s put together an SOP for that para may kasama tayong gamot,” anang Pangulo.
Bago magtungo sa briefing, pinangunahan ng Pangulo ang isang aerial inspection sa lalawigan ng Maguindanao. Pinangunahan din niya ang pamamahagi ng tulong sa mga apektadong pamilya sa lugar.
Libu-libo dumagsa pa rin sa Manila North at South cemetery
Sa kabila ng masama pa ring panahon dahil sa pagpasok ng panibagong bagyo, dumagsa pa rin ang libu-libong bisita sa Manila North at South cemeteries sa Maynila kahapon.
Sa Manila South Cemetery, umabot sa 204,500 ang tinatayang naging bisita nito dakong alas-5 ng hapon.
Sinabi ni Manila Police District (MPD) Director P/BGen Andre Dizon na naging maayos naman ang daloy ng tao kahit na tanging ang main entrance ng MNC ang kanilang binuksan.
Naging mahigpit sa pagpapasok ang mga bantay nang 63 indibidwal na karamihan ay mga bata ang hindi papasukin.
Kahapon, alas-5 ng umaga nang muling buksan ang gate ng MNC at muling isasara sana ng alas-5 rin ng hapon ngunit nagbigay ng ekstensyon ng 30 minuto.
Humingi ng pang-unawa si Dizon sa mga naapektuhan ng limitasyon sa oras na itinakda ng lokal na pamahalaan ng Maynila at ipinatutupad ng pulisya.
Nasa 500 pulis ang ikinalat nila sa iba’t ibang istratehikong lugar na mahigpit na nagbantay sa mga pasaway tulad ng mga nag-iingay, naninigarilyo at nagsusugal.
Hindi naabot ang inaasahang bilang ng bibisita na isang milyon.
Sinabi naman ni Sta. Cruz Police Station commander, P/LtCol Ramon Solas na may epekto ang naturang oras sa mas maliit na bilang ng tao kumpara noong pre-pandemic dahil sa naiiwasan na ang mga nagpapagabi.
Dagdag na factor din ang bagyong Paeng at ang bagyong Queenie. (Daris Jose)
-
Lalaki himas-rehas sa panghihipo sa wetpaks ng dalagita
REHAS na bakal ang hinihimas ngayon ng 48-anyos na lalaki na dumakma at pumisil sa wetpaks ng isang dalagita matapos siyang maaresto makaraang makahingi ng tulong ang biktima sa kapitbahay nilang pulis sa Caloocan City. Sa ulat ni P/MSg Marjun Tubongbanua kay P/Col. Nixon Cayaban, hepe ng Valenzuela Police Station, dakong alas-12 […]
-
Pasahe sa barko, gawing abot-kaya
KASALUKUYANG naghahanap ng paraan ang Department of Transportation (DOTr) para mabigyan ang mga pasaherong sumasakay ng barko ng “affordable price” para sa kanilang pasahe. Sa Laging Handa public briefing, tinuran ni DOTr Secretary Jaime Bautista na base na rin ito sa naging kautusan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos na gawing abot kaya ang […]
-
‘Limitless: A Musical Trilogy’, wagi ng Silver Award sa 2022 New York Festivals: JULIE ANNE, ginulat ang followers nang i-post ang short hairstyle
GINULAT ni Julie Anne San Jose ang kanyang 2.6 million followers sa Instagram nang i-post niya ang bagong short hairstyle niya. Tawag sa hairstyle ng Limitless Star ay wolf haircut at pinakulayan pa niya ito ng bright golden brown. Dahil tapos na ang kanyang musical trilogy na Limitless, pinagupit na ni […]