• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcos, nanawagan para sa kalayaan mula sa COVID, ‘cancel culture’

NANANAWAGAN si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Linggo sa mga mamamayang  Filipino na magkapit-bisig para palayain ang bansa mula sa  COVID-19 pandemic at paghahati-hati  sanhi ng “cancel culture.”

 

 

Sa kanyang  Independence Day message na naka-post sa kanyang YouTube channel, sinabi ni Marcos na maaari itong makamit ng mga filipino sa pamamagitan ng paggamit sa kanilang katalinuhan at katapangan, mga katangian, na ayon sa kanya ay naipasa ng kani-kanilang mga ninuno simula ng proklamasyon ng kalayaan mula sa Espanya (Spain) noong 1898.

 

 

Aniya, nakikipag-usap na siya sa mga eksperto hinggil sa plano para makamit ang kalayaan mula sa COVID-19, partikular na para sa mga manggagawa at maliliit na negosyo na labis na naapektuhan ng pandemiya.

 

 

“Ang kapakanan ng ating mga manggagawa, ang ating mga maliliit na negosyo ang iba’t iba pang mga sektor na hanggang ngayon ay hindi pa nakabalik sa normal… iyan ang mga patuloy pa natin tinatalakay kasama ng lahat ng pinakamagagaling na eksperto,” ayon kay Marcos.

 

 

Maliban dito, makikipagtulungan ang incoming administration sa mga lider mula sa  iba’t ibang bansa  partikular na mula sa  southeast Asian neighbors ng Pilipinas, upang matulungan ang bansa na maka-recover mula sa epekto ng COVID-19.

 

 

Noong nakaraang linggo, nakipagkita si Marcos sa ilang envoys  mula sa mga member-countries ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN): Johariah Wahab ng Brunei, Phan Peuv ng  Cambodia, Agus Widjojo ng Indonesia, Songkane Luangmuninthone ng Laos, Gerard Ho ng Singapore, Thawat Sumitmor ng Thailand, at Hoang Huy Chung ng Vietnam.

 

 

“Mahalaga ang naging ugnayang binubuo ng grupong ito para maprotektahan ang ating kapayapaan at katahimikan sa rehiyon at ang kalakalan o trade at iba pang mga interes na makakabuti sa ating bansa,” ayon kay Marcos sa isang miting.

 

 

Idinagdag pa nito na umaasa siya na ang bansa ay makararanas din ng kalayaan mula sa dibisyon o paghahati-hati na nag-ugat mula sa “cancel culture, discrimination, at violent hate crimes.”

 

 

“Sana ay huwag tayong magpasakop sa ganitong pag-iisip. Palawigin ang ating pagrespeto, pagtanggap, at pag-unawa sa isa’t isa,” ayon kay Marcos. (Daris Jose)

Other News
  • John 1:14

    The word became flesh and made his dwelling among us.

  • ANGEL, mawawalan ng mga posibleng roles na puwede pang magampanan dahil sa laki ng itinaba

    SOBRANG laki na ni Angel Locsin.      May nakita kaming recent picture niya na kunsaan, naka-long dress ito at nagulat kami dahil ang laki ng itinaba niyang talaga.     Kung health related ang nagiging weight gain ni Angel, sana nga ay ma-address ito ng maayos dahil nakahihinayang din kung dahil sa paglaki ng […]

  • PRC, nanawagan sa publiko na maging vigilante laban sa mpox

    NANANAWAGAN si Philippine Red Cross (PRC) Chairman at CEO Richard “Dick” Gordon sa publiko na maging vigilante laban sa mpox, kasunod na rin ng ginawang kumpirmasyon ng Department of Health (DOH) na nakapagtala sila ng bagong kaso ng sakit sa bansa nitong Agosto 18 lamang.           “With the lessons learned from […]